Jennica Garcia, Christian Bables kinakiligan ng netizens: Sana kayo na lang na dalawa!

Jennica Garcia, Christian Bables kinakiligan ng netizens: Sana kayo na lang na dalawa!

MARAMI ang kinilig sa palitan ng comment ng “Dirty Linen” stars na sina Jennica Garcia at Christian Bables sa Instagram.

Nag-post kasi ng ilang shots si Jennica na naka-two piece bikini sa kanyang Instagram account.

“#FRACTURED Rest Day. Thank you for lending me your bikini so I can swim @danielastrannerrr.”

That was Jennica’s caption sa kanyang photos.

Isa sa mga nag-react ay si Christian who said, “Pag ikaw nahamugan sinasabi ko sayo.”

Sumagot naman si Jennica at sinabing, “@christiaaan06 harapan mo lang ako binubully dati, ngayon hanggang comments na ha! tatamaan ka sakin wag mo ko inisin talaga.”

Hindi ito pinalagpas ni Christian at nag-reply ng, “@jennicagarciaph hihi akala mo dito to nagtatapos? Hanggang panaginip, ha hunting-in kita! Haha kidding aside, nakaka miss ka ng sobra.”

“@jennicagarciaph uwi ka naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa,” dagdag pa ni Christian.

With that short reaction ay napuno ng kilig ang IG post ni Jennica. Ang daming nag-react, most of them saying na bagay ang dalawang stars ng “Dirty Linen”, most of them wishing na magkatuluyan na sila.

“@christiaaan06. sana kayo na lang na dalawa ni @jennicagarciaph in real life.”

“@christiaaan06 ayieeeee LALAMAX.”

“@christiaaan06 yakapin mo na.”

Baka Bet Mo: Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN

“@christiaaan06 ayaw mo pa kay lala eh ang ganda at sexy na nyan max.”

“@christiaaan06 naku naririnig ko yan linyahan sa The Dirty Linen hahaha bagay kayo hehehe.”

 

“@christiaaan06 naku Max ha! Pag ikaw di umamin, sinasabi ko sayo…”

Samantala, alalang-alala sina Max (Christian) at Lala (Jennica) dahil muntik nang mabugbog nang husto si Nico (Seth Fedelin). Galit na galit si Ador (Epy Quizon) dahil nasuntok ni Nico ang kanyang anak na si Clint (Raven Rigor) at nagbanta itong magdedemanda.

Ipinagtanggol naman ni Chiara (Francine Diaz) si Nico sa office of the principal at sinabing naunang nanakit ang grupo ni Clint kay Nico.

Related Chika:
Christian Bables ‘dream come true’ ang makasama sina Kabayan, Karen, Henry at Bernadette sa ‘TV Patrol’: ‘Pangarap ko lang ito noon…’

Christian Bables imposibleng ma-in love sa bading: My preference ay hindi po same sex…

Read more...