“I WAS disappointed.”
‘Yan ang naging sagot ng batikang aktres na si Dolly De Leon nang tanungin siya ng King of Talk na si Boy Abunda tungkol sa nominasyon ng 95th Academy Awards o Oscars.
Umamin si Dolly na naging masakit sa kanyang kalooban matapos malaman na hindi siya napili bilang nominee sa “Best Supporting Actress” category para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Triangle of Sadness.”
“I was disappointed Tito Boy, I was there for two months promoting the film,” sey ni Dolly.
Kwento pa niya, “I went through what they called an ‘Oscar campaign’ kumbaga ang trabaho ko is to make sure na ma-nominate kami, ‘yung pelikula, ako at kung sino man samin ang sa tingin na dapat ma-nominate.”
“So I was away from home for two months doing that, being away from my children. Imagine that you’re working something that hard and then you don’t get it. So Syempre sumama ang loob ko,” sambit ni Dolly.
Ngunit nilinaw naman niya na ang kanyang pagkadismaya ay dahil tila nasayang ang kanyang pagod sa pag-promote.
Saad ng aktres kay Tito Boy, “Pero ‘yung sama ng loob ko siyempre it was more of dahil napagod ako, pinaghirapan ko tapos hindi ko nakuha. Pero okay na ako after a while.”
“Siguro mga two or three days lang ako nag-mourn which I think is normal,” dagdag niya.
Patuloy pa ni Dolly, “I mean, dapat as human beings, we’re allowed to feel bad diba. And then okay na ako. Pumunta pa nga ako doon in solidarity with the filmmaker.”
Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Dolly ang kauna-unahang Pinay actress na naging nominado bilang “Best Supporting Actress” sa prestihiyosong Golden Globe Awards at British Academy Film Awards (BAFTA) para sa kanyang pagganap pa rin sa pelikulang “Triangle of Sadness.”
Sa Kasalukuyan ay ibinalita ng batikang aktres na abala siya ngayon sa sunod-sunod niyang proyekto.
Sey niya, “I finished ‘Grand Death Lotto’ for Amazon Prime Video and I finished ‘Between the Temples’, which is an independent film. Ginawa ko ‘yun bago ako umuwi.”
“And May and June. I’m doing ‘A Very Good Girl’ with Kathryn Bernardo for Star Cinema, and then in August, I’m flying to Germany on a location shoot for another Prime Video series naman,” aniya.