Sharon gaganap nga ba bilang ina ni Mara sa 'FPJ's Ang Probinsyano'? | Bandera

Sharon gaganap nga ba bilang ina ni Mara sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?

Reggee Bonoan |November 05,2021
facebook
share this

Sharon gaganap nga ba bilang ina ni Mara sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?

Reggee Bonoan - November 05, 2021 - 11:21 AM

Ano kaya ang magiging role ni Sharon sa 'FPJ's Ang Probinsyano'?

Sa Martes pa ang virtual mediacon ni Sharon Cuneta para ipakilala siya na bagong cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” pero kalat na kung ano ang magiging karakter niya.

Dati na naming nabalitaang siya ang tunay na ina ni Julia Montes bilang si Mara na anak-anak nina John Estrada at Rosanna Roces pero siyempre hangga’t hindi galing mismo kay Megastar ang sagot ay hindi pa puwedeng kumpirmahin.

Sa online show na “Cristy Ferminute” nitong Huwebes ay napag-usapan nila ni Romel Chikka ang magiging papel ni Sharon sa nasabing teleserye.

Ayon kay ‘nay Cristy ay may source siya na si Sharon nga ang tunay na ina ni Julia at si Rowell Santiago ang tunay na ama.

Bale ba ang umeereng episode ngayon ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ay taga-Norte pala si Presidente Oscar Hidalgo na ginagampanan ni Rowell Santiago na aksidenteng nakuwento niya kina Whitney Tyson as Elizabeth at Ambo na ginagampanan naman ni Nonong Ballinan.

Ayon kay presidente Oscar ay kinalimutan na niya ang kanyang bayan dahil may nangyaring pilit niyang kinalimutan pero hindi niya sukat akalain na darating ang araw na muli niya itong babalikan.

Ito nga siguro ‘yung kay Sharon na pilit niyang kinalimutan pero magtatagpo rin pala sila dahil sa Norte ang punta nina presidente Oscar, Elizabeth at Ambo.

Nabanggit pa ni ‘nay Cristy na sa Nobyembre 19 pa ang first taping day ni Sharon at lock in sila ng isang buwan na ngayon palang ay nalulungkot na ang aktres dahil matagal niyang hindi makikita’t mayayakap ang mga anak at asawang si Senator Kiko Pangilinan.

Mahaba pa ang itatakbo ng kuwento bago magkita sina Oscar at Sharon plus Julia kaya tiyak na aabangan ito ng lahat dahil paano makikilala ng dalawa na si Mara ang tunay nilang anak.

Kaya pala mabigat ang dugo ni Rosanna kay Julia dahil hindi niya tunay na anak at ano ang relasyon nina presidente Oscar at Sharon kay John dahil bakit sobrang inaalagaan ng huli ang dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, excited kami sa mga kuwento ni Sharon sa Martes.

Related Chika:
Sharon sa tanong kung nagpadagdag siya ng boobs: Tunay yan, 3 anak na binuhay niyan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending