Ken Chan, Jake Vargas muntik nang magsuntukan dahil sa babae; Kyline umaming mas selosa kesa kay Mavy

Ken Chan, Jake Vargas muntik nang magsuntukan dahil sa babae; Kyline umaming mas selosa kesa kay Mavy

Jake Vargas at Ken Chan

NAKAKALOKA ang mga eksenang napanood namin sa last episode ng Kapuso weekly talk show na “Sarap, Di Ba?” hosted by Carmina Villarroel with her twins Mavy and Cassy Legaspi.

Maraming rebelasyon ang mga naging special guests ng mag-iina na sina Ken Chan, Mikee Quintos at Paul Salas na game na game na nakipagkulitan sa isa’t isa.

May bagong segment kasi ang naturang programa na nagsimula last Saturday, April 22, (10 a.m.), ang “Trip To The Hotseat” na obviously ay ibinase sa classic party game na “Trip To Jerusalem.”

Ang mechanics ng game, kapag hindi nakaupo ang player kapag tumigil na ang music, siya ang sasabak sa “hotseat” para sagutin ang mga nakakaintrigang question ni Carmina.


Unang na-hotseat si Mavy at ang question na ibinato sa kanya ay kung sino sa kanila ng kanyang girlfriend na si Kyline Alcantara ang madalas magselos. Sagot ng binata, si Kyline daw.

Kasunod nito, tinawag na rin ni Carmina si Kyline para mag-react sa sagot ni Mavy. Sumang-ayon naman ang Kapuso actress sa sinabi ng kanyang boyfriend.

Hirit ni Kyline, “Kasi naman! Kasi, ang guwapo naman kasi ng anak niyo. Mabait din and gentleman. May ibang tao lang po talaga na nati-take siya in a different way.”

Next question ni Carmina kay Mavy, totoo nga bang pinag-aawayan nila ni Kyline ang pagsusuot ng dalaga ngbrevealing OOTDs?

Baka Bet Mo: Mavy gumawa ng tula at kanta para kay Kyline; Bea kilig na kilig

Tugon ng binata, “Ako lang, number one ko, kapag hindi nagsa-cycling, yun lang naman. She’s free whatever she wants, ganu’n ako. Yung hindi nagsa-cycling kapag naka-mini skirt or mini dress, du’n ako.”

Hindi lang naman daw si Kyline ang pinaaalalahanan niya tungkol dito kundi maging ang kakambal niyang si Cassy, “Kasi kayong dalawa ni Cass, nagsa-cycling. Yun lang. Everything else, I’m fine.”


Mabuti na raw yung nag-iingat at may proteksiyon para hindi sila masilipan.

Kasunod nito, si Paul naman ang hindi nakakuha ng upuan matapos sadyang itulak ng dyowa niyang si Mikee kaya siya ang sumalang sa “hotseat.”

Tanong sa kanya ni Carmina, “Ang sabi nila, yung mga lalaki raw ay hindi mahihilig sa manika. Pero ikaw Paul, mahilig ka ba dati sa Barbie doll?”

Agad na reply ni Paul, “Masasabi kong for a time nagkahilig ako. Pero may nakita akong mas maganda sa Barbie doll.”

Super smile naman si Mikee nang marinig ang sagot ni Paul. Alam naman ng lahat na naging ex-dyowa ni Paul si Barbie Imperial. Pwede rin namang s Barbie Forteza na nakatrabaho ni Paul noon sa isang episode ng “I Can See You.”


At ang last na napasabak sa hotseat ay si Ken kung saan inami ng binata na muntik na raw silang nagkasuntukan noon ni Jake Vargas dahil sa babae.

Pero paglilinaw ni Ken, “Nagkaayos na kami ni Jake nang nagkaroon kami ng teleserye na Ang Dalawang Ikaw. Dun lang kami nagkausap nang maayos. Pero yung incident, that was 2014? Matagal na.”

And yes, may konek sa girlalu ang issue sa pagitan ng dalawang aktor. Pag-amin ni Ken, “Sila po kasi nu’n, e. Tapos, nu’ng wala na sila, saka ako pumasok. Pero hindi ko alam na may nararamdaman pala si Jake dun sa girl.

“Hindi kami nagpansinan ni Jake for… ang tagal  Seven years?” aniya pa.

Lahad pa ni Ken, “Pero kapatid ko yun, si Jake e. Mas mahalaga sa akin yun, kasi anak-anakan kami ni Kuya Germs.

“Nag-usap kami ni Jake. Nag-sorry kami sa isa’t isa. Sabi namin, mas mahalaga yung pagiging magkapatid naming dalawa. Ayos na ayos na kami ni Jake,” paniniguro pa niya.

Mavy love na love talaga si Kyline: Thank you for being that smile when I’m feeling blue…thank you for coming into my life

Kyline may 3 espesyal na katangian na bet na bet ni Mavy; Mikael, Megan may ipakikilalang beauty queen sa ‘The Best Ka’

Read more...