Bukod sa demandahan...CLAUDINE, GRETCHEN malapit magsabunutan | Bandera

Bukod sa demandahan…CLAUDINE, GRETCHEN malapit magsabunutan

Ervin Santiago - October 14, 2013 - 03:00 AM


WALA nang urungan ang bangayan sa pagitan ng magsisterakang sina Claudine at Gretchen Barretto. Siguradong sa pagbabalik ni Greta sa Pilipinas mula sa Europe ay haharapin niya uli ang mga akusasyon ng kanyang nakababatang kapatid.

Ayon sa ulat, pinag-iisapan na ni Claudine ang pagsasampa ng libel case laban kay Gretchen dahil sa mga walang basehang paratang nito tungkol sa kanya, partikular na ang diumano’y pagkagumon niya sa droga at pagkakaroon ng sakit sa utak.

Sey ng abogado ni Claudine, pag-uusapan pa raw ng pamilya ng aktres kung paano haharapin ang mga pinagsasasabi ni Greta, ayaw naman daw nilang basta magdemanda lang, gusto nila kapag nagsampa sila ng kaso ay may matibay silang ebidensiya at base sa katotohanan lamang.

Sa interview kay Claudine, sinabi nitong baka raw nababaliw na ang kanyang kapatid matapos nga siyang akusahan ng kung anu-ano. Itinuro rin niya si Gretchen na siyang nasa likod ng pagsasampa sa kanya ng kasong pagnanakaw ng dating aalay.

Sey ni Claudine, nagsisinungaling ang dati niyang personal assistant na ipinakulong niya noon sa salang pagnanakaw at ngayon daw ay binabalikan siya nito sa tulong na rin ni Gretchen at ng mga kaibigan nitong abogado. Banta pa ni Claudine,

“Magsama sila sa kulungan!” Ngayon, wait na lang tayo sa pagbabalik sa bansa ni Gretchen dahil tiyak na hindi niya ito basta palalampasin.

Si Gretchen pa, sa galit niya kay Claudine, hindi siya papayag na basta maka-score ang kanyang sisteraka. Parang nakikita na namin ang susunod na mangyayari – paramihan na sila ng demanda laban sa isa’t isa!

O, pwede ring sabunutan na lang para magkaalaman na! Ha-hahaha! Bayolente lang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending