Alden maraming nadiskubre kay Julia: Kapag kasama ko siya it feels like I can be my raw self, may ganu’n siyang vibe’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Alden Richards at Julia Montes
MARAMING rebelasyon sina Alden Richards at Julia Montes patungkol sa isa’t isa kahit ilang araw pa lamang silang magkakilala at nagkakasama.
Ayon sa Asia’s Multimedia Star, perfect si Julia sa gagampanan nitong role sa unang project nila together, ang latest hugot movie na “Five Break-Ups And A Romance” mula sa direksyon ni Irene Villamor.
Isa si Alden sa mga producer ng pelikula with his multimedia production company na Myriad kasama ang CS Studios na pag-aari ng Cornerstone Entertainment President na si Erickson Raymundo at ang GMA Pictures.
Sa nakaraang presscon ng “Five Break-Ups And A Romance” natanong si Alden kung bakit si Julia ang napiling leading lady niya
“Siyempre Julia Montes yan! Di ba, sa buhay naman, hindi mo malalaman yung outcome unless you try? The only failure is not doing it.
“Di ba, sabi nga ng isang sneaker ad, ‘Just do it!’ So I think this is the right project. We have the right people behind the project. We have a very good script. So the only answer is, why not?” katwiran ni Alden.
Paglalarawan ng aktor kay Julia noong hindi pa niya ito nakikilala, “Before working with Julia, alam mo yun, parang she seems to be a very strong woman, parang knows what she wants, parang may ganu’n akong impression of her.
“Pero ngayon, nu’ng nakilala ko siya, parang with all those traits, pero sa mabuting paraan. So ganu’n talaga, e. You don’t really get to judge people unless you get to be with them, you get to work with them.
“And si Julia, yung unang meeting pa lang, masasabi ko nang madaling katrabaho. That’s what I told the team. Actually kahit sa team ko, sinasabi ko, nu’ng first meeting namin, lalo akong na-e-excite everytime that we see each other for the movie.
“So may ganu’ng vibe si Julia sa akin. That’s why ibinabalik ko lang sa kanya. And parang pag kasama ko si Julia, it feels like I can be my raw self,” paliwanag ng Pambansang Bae.
Para naman kay Julia, “Sa akin, pag napapanood ko kasi siya, may vibe na siya sa akin na mabait talaga siya, e. Na-prove niya sa akin na yung ine-expect ko, more than. And kaya siya nandito ngayon as Alden Richards, because ganyan siya,” aniya pa.
“Yung pagkatao niya… kasi, nakikita natin minsan sa interviews lang, kung ano lang yung nasasabi ng mga friends on cam. Yung real Alden kasi, yun ang hindi pa natin nakikita. Yun ang nakita ko naman, na-bless ako na na-share yun sa akin ni Alden. Du’n ako na-amaze na kaya pala siya ganyan,” paliwanag pa ng Kapamilya actress.
At tungkol naman sa pressure bilang bagong loveteam na ibebenta ng GMA at ABS-CBN, sagot ni Alden, “Tama na po siguro kami sa pressure. Kasi I think what we appreciate more of what happened since the pandemic, parang na-reset yung whole concept of film and kung ano yung mga contents na napapalabas sa movies and TV, and even sa platforms.
“So I think that gave us the freedom to venture into more ahhh parang different universe of storytelling. Kaya nga isa rin yun na parang like what I said, since I started, medyo masyadong safe yung mga ginagawa kong project.
“So this time, hindi ko sinasabing safe, but this is not my usual role. And same as with Juls as well.
“Pressure? Hindi na po namin siya iniisip. Siguro sa tagal na rin po naming mga artista, parang it’s been part of the cycle kapag may bagong partnership.
“So what we really want to focus more on is really how to make the film beautiful. And enjoy the process, how are we gonna send a message with this film sa mga manonood po,” katwiran pa ng Kapuso matinee idol.
Sey naman ni Julia patungkol sa tema ng pelikula, “Sa akin, personally, it’s really heavy. Kasi I’m the type of person po na ayokong inaano yung emotions. Kasi kapag na-hit yung emotions ko, talagang tuluy-tuloy. As in emotionally, sobra akong soft.
“So may ugali ako na, ang joke ko in real life, hindi ako iiyak kapag hindi sa work. May ganu’n ako in real life. E, ito, work. So paano? E, napi-feel mo yung bigat ng journey nu’ng dalawa nang second day pa lang ng shoot.
“So paano ito? Pero super… ito, hindi po ito dahil nandito tayo at kaharap ka, ‘Alden, Sobrang thankful ako dahil sobrang komportable natin. Malaking tulong talaga na na-push natin yung scene.’
“Kasi okay tayong dalawa as magkatrabaho. Kasi malaking bagay talaga na okay ka sa co-actor mo. Pag hindi kasi, ang hirap nu’ng aarte kang mag-isa mo, kung papaano mo siya i-e-emote nang wala kang connection dun sa co-actor mo.
“So ito, lalo akong na-excite sa mga dadating kahit sinabi niyong one-next level pa. Mas exciting kasi it’s with them,” aniya pa.