Direk Mark Reyes emosyonal sa presscon ng ‘Voltes V: Legacy’, inisa-isa ang matitinding challenge sa shooting: ‘Ito na ang pruweba na ginastusan ‘to!’

Direk Mark Reyes emosyonal sa presscon ng 'Voltes V: Legacy', inisa-isa ang matitinding challenge sa shooting: 'Ito na ang pruweba na ginastusan 'to!'

Mark Reyes kasama ang cast members ng ‘Voltes V: Legacy’

NAGING emosyonal ang direktor na si Mark Reyes sa naganap na grand mediacon ng “Voltes V: Legacy” habang sinasagot ang mga tanong sa kanya ng ilang members ng showbiz press.

Dahil sa sobrang kaligayahang nararamdaman, naluha si Direk Mark at medyo nanikip ang dibdib dahil na rin siguro sa tindi ng excitement at tensyon na kanyang nararamdaman nu’ng mga oras na yun.

Naibahagi ng Kapuso director ang matitinding challenges na kinaharap ng buong team habang binubuo ang “Voltes V: Legacy” at kung paano sila sinuportahan ng mga bossing ng GMA kahit pa umober-ober na sila sa budget.


Simula pa lang daw ng kanilang shooting ay matinding pagsubok na ang sumalubong sa kanila hanggang sa mag-lock-in sila dahil sa COVID-19 pandemic.

In-example pa nga ni Direk Mark ang child actor na si Rafael Landicho na gumaganap bilang Little Jon na hindi puwedeng magtrabaho nu’ng pandemic dahil minor pa ito.

Sa katunayan, tatlong beses silang nagpagawa ng costume para kay Rafael dahil lumaki na ito sa tagal ng panahon na hindi ito sumalang sa taping.

“Maraming nagsasabing gusto nating mag-improve. So ito na, ito yung pruweba na ginastusan to, pinag-isipan, pinagtrabahuan, pinaghirapan. Ito na po.

“So that’s why, you cannot tell us not to do it. Kasi may mga usapan, ‘Bakit niyo pa ginawa yan?’ No! Kailangan nating gawin. If not us, who?” sey ni Direk Mark.

“Thank you again to GMA and Telesuccess, and TOEI Company that they approved this project. This is the stepping stone. It opens the gate for everyone. For all the artists, for GMA videographics, for Riot.

“You know, to see the level na kaya pala ng Philippines ang level ng ganitong artistry sa CGI or when it comes to the costume. You saw naman the flysuits, no? Hindi naman tinipid,” chika pa ng direktor.

Baka Bet Mo: Shooting ng ‘Voltes V: Legacy’ sisimulan na; Direk Mark ipinasilip ang set ng Camp Big Falcon

Sa tanong kung maa-appreciate ba ng mga kabataan ang live action version ng “Voltes V”, sabi ni Direk Mark, “The challenge was, it was an old animé, antiquated you know, we call it that. Pero, ever since…since 1978 here in the Philippines, all the way down to 2023, Voltes V has always been in the heart of the Filipinos.

“Aminin natin yan, hindi nawawala sa karaoke yung pagkanta ng Voltes theme saka yung ‘My Father,’ yung sa ending theme song. Mga political ads, mga commercials, Voltes V has always been around,” aniya pa.

Dugtong pa ng direktor, “I don’t know, there was a certain magic perhaps with the Voltes V that it has endured all these years, all these decades.

“Pero inherently, Voltes V is a story of family. In so many levels yung istorya. Kaya siguro it was easy for GMA to approve the project because they saw na okay. It was worth of soap opera I saw as a child.


“Because when you know the whole story, you know, the betrayal of the brothers, the loss of the mother, the loss of the father, it’s soap opera. It’s a space soap opera.

“It came from Japan, but it was very near to the heart of the Filipinos. Kasi yun ang gusto natin e. Yung nagtutulungan, yung magkakapatid, yung mga magkaaway sina Mark at si Steve. Tapos, magsasanib-puwersa, tapos yung kalaban mo, hindi mo alam, kalahi mo, kadugo mo,” lahad pa ni Direk Mark.

In fairness, na-enjoy namin ang cinematic experience ng “Voltes V: Legacy” nang mapanood namin ang movie version nito sa sinehan. Napakaganda ng pagkakagawa nito – mula sa akting ng cast hanggang sa special effects at location.

Talagang super clap at sigawan ang manonood nang mag-volt-in ang limang major characters sa serye na sina Steve Armstrong (Miguel Tanfelix), Jamie Robinson (Ysabel Ortega), Mark Gordon (Radson Flores), Big Bert Armstrong (Matt Lozano), at si Little Jon Armstrong (Rafael Landicho).

Kasama rin sa “Voltes V: Legacy” sina Dennis Trillo, Carla Abellana, Albert Martinez, Max Collins, Gabby Eigenmann, Liezel Lopez, at Martin del Rosario. Magsisimula na ito sa darating na May 8 sa GMA Telebabad.

‘Voltes V Legacy’ ni Mark Reyes aprub na aprub sa Toei Company: Na-surprise sila sa napanood nila!

Michael V sa mga nang-okray sa trailer ng ‘Voltes V: Legacy: ‘Nagpapa-cool at naggagaling-galingang mga ignoranteng basher’

Read more...