BINATI ng aktres na si Jessy Mendiola ang kanyang hubby na si Luis Manzano na nagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Sa Instagram, ibinandera ni Jessy ang black and white photos ng precious momenta nilang dalawa.
Ilan lamang diyan ang mga eksenang nag-propose si Luis sa kanya hanggang sa ikinasal na silanh dalawa.
Ayon pa sa sweet birthday message ng aktres, hindi masusukat ang kabutihan na ipinapakita sa kanya ni Luis.
Caption niya sa IG post, “We have been together for a while now, and every year I would always tell you that you are a blessing to all of us.”
“People who truly know you will agree with me on this, your kindness is beyond measure,” aniya.
Baka Bet Mo: Jessy Mendiola naimbyerna sa chikang may cleft palate ang anak: It is never okay to spread fake news
Inisa-isa pa ng aktres ang mga ugaling nagustuhan niya sa actor-TV host.
At isa na nga raw diyan ay ‘yung mas inuuna ang iba kaysa sa sariling kapakanan.
“One of the good traits I love about you, is you would always put others first before yourself,” saad ng aktres.
Dagdag pa niya, “You have a good heart. You are an amazing man, my love.”
Hindi rin niya siyempre nakalimutan na lubos na pasalamatan ang mister sa pagiging mabhting asawa at ama ng kanilang anak.
“Thank you for being a good husband and father to us. Rosie and I are very grateful to have you in our lives,” sey ni Jessy.
Nangako rin siya na lagi lang nasa tabi ni Luis ang aktres, pati ang anak nila.
“I want you to always remember that through ups and downs, Rosie and I will be here for you no matter what,” lahad sa post.
Ani pa niya, “Happy birthday, my love. Continue shining. We love you, papa [red heart emoji]”
Matatandaang February 21, 2021 nang mangyari ang civil wedding ng dalawa na ginanap sa Lipa City, Batangas ngunit April 2021 na nang kumalat ang balitang pag-iisang dibdib nila.
December 29, 2022 naman nang ipanganak ni Jessy ang kanilang panganay na si Isabella Rose Tawile Manzano.
Related Chika:
Jessy ayaw nang makipaghalikan sa serye at pelikula, pinagbawalan ba ni Luis?