Maymay Entrata nakipagsanib-pwersa sa Korean rapper-songwriter na si Wooseok; Carl Balita pasadong maging recording artist

Maymay Entrata nakipagsanib-pwersa sa Korean rapper-songwriter na si Wooseok; Carl Balita pasadong maging recording artist

Carl Balita, Beverly Salviejo, Mayday Entrata at Wooseok

BONGGANG-BONGGA ang naganap na birthday celebration ni Dr. Carl Balita na isinagawa sa Tikme Dine, Quezon City at dinaluhan ng kanyang pamilya, mga kaanak, at kaibigan, kabilang na ang ilang mga kilalang personalidad.

Talagang pinaghandaan ng Team ni Dr. Carl ang kanyang kaarawan dahil bukod sa napakasarap na ng food with unlimited drinks ay may mga pasorpresa pa sila sa mga dumating na bisita.

Pasabog ang performances ng kanyang mga special guests na sina Beverly Salviejo, Richard Reynoso, at ng UP Singing Ambassadors. In fairness, para ka na ring nanood ng isang full concert sa mga inihanda nilang production numbers.


Bukod dito, isa pa sa mga naging highlights ng celebration ay ang irampang collection ng formal and Filipiniana ni Carlito ng La Moda Optibella.

Kahanga-hanga at tunay naman talagang napakagaganda ng mga Carlito’s collection na isinuot at inirampa on stage nina NSA Dr Clarita Carlos, Doctor Advocate Dr. Tony Leachon, Mother of Filipino Franchising Bing Sibal Limjoco, PFA chairperson Sheril Quintana, at PALSCON President Rhoda Caliwara.

Nagbigay din ng ilang awitin si Dr. Carl na in fairness pwede na ring maging recording artist dahil sa ganda ng kanyang boses. Sabi nga ng ilang nakausap namin, baka ito na ang susunod na career ni Dr. Carl.

Muli, maligayang kaarawan Dr. Carl.

* * *

Ibang level ang dating ng Kapamilya P-pop star na si Maymay Entrata sa kanyang upcoming single na “Autodeadma” dahil makakasama niya rito ang Korean rapper-singer-songwriter na si Wooseok.

Ito ang kauna-unahang beses na nakipag-sanib pwersa si Maymay sa isang international artist. Miyembro ng sikat na South Korean multi-national boy group na Pentagon si Wooseok na binuo ng Cube Entertainment.

Tungkol ang kolaborasyon nina Maymay at Wooseok sa katotohanang laging may masasabi ang lipunan sa tagumpay ng bawat tao kaya’t mas mabuting huwag na lang itong pansinin.


Naglabas din ang ABS-CBN record label na Star Pop ng teaser ukol sa awitin kamakailan na nagsabing ang ibig-sabihin ng ‘Autodeadma’ ay awtomatikong hindi pagpansin sa mga komento at puna ng ibang tao.

Unti-unti nang nakikilala si Maymay bilang Pinoy pop soloist dahil sa kanyang nagniningning na performances.

Sinusundan ng kantang “Autodeadma” ang mga empowering songs niyang “Amakabogera” at “Puede Ba”. Naging nominado rin siya sa MTV Europe Music Awards (EMA) noong 2022 bilang Best Asia Act.

Abangan ang “Autodeadma” single drop ni Maymay tampok si Wooseok sa April 28 (Biyernes) sa iba’t ibang music streaming platforms (https://orcd.co/mamaymayftwooseok).

Sikreto sa tagumpay ng negosyo nina Juday, Coco, Marvin at James gustong ibandera ni Dr. Carl Balita

Maymay may pa-dyowa reveal sa mismong Valentine’s Day: Happy birthday my Valentino!

Read more...