NILISAN na kaya nina James Reid at Liza Soberano ang crib nila sa Los Angeles, California na ipinakita ito ng singer-actor sa isang vlog na naka-upload sa Careless Music YouTube channel?
Ito yung video na may pamagat na “A Tour Inside the First Careless Home in Los Angeles, California | Careless Cribs EP 01” na inilabas nina James tatlong buwan na ang nakararaan.
Kaya namin ito natanong ay dahil may source sina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika na magkahiwalay nang nangungupahan ang dalawa sa isang kuwarto.
Simula ni Romel Chika, “Si Liza Soberano, naninirahan na lang sa isang room for rent?”
Tuloy ni ‘Nay Cristy, “Ito po ay nanggaling sa mga kababayan natin sa Amerika lalo na sa LA (Los Angeles) kasi po kilala ng mga Pilipino si Liza Soberano dahil sumikat naman talaga siya sa pangangalaga ng ABS-CBN at ni Ogie Diaz. Ipinarating po sa amin ang kuwento na naninirahan po sa isang room for rent itong si Liza Soberano sa Korea town. May China town po kasi sa Amerika, meron ganu’n at may Korea town.
“Hindi naman po krimen kung tayo man po ay umupa ng isang room para sa ating pananatili sa ibang bansa kaya lang po tulad ng sinabi natin noong una sa pamamagitan ng blind item, ‘yung pagkukumpara nakahihinayang talaga,” sabi pa ng batikang manunulat.
Say ulit ni Romel Chika, “Oo, ‘yung magandang buhay dito tinalikuran niya para pumunta sa at makipagsapalaran sa abroad.”
Tanong ni Wendell, “Di ba may bahay sila roon sa Amerika?”
Baka Bet Mo: Ogie Diaz nanghihinayang sa career ni Liza Soberano: Pinaghirapan naming lahat ‘yun kung nasaan siya nandoon
Sagot kaagad ni ‘Nay Cristy, “Yung lola at lolo niya ibinili niya ng bahay mula sa kanyang kinita rito. Siguro gusto rin niya ng privacy, ‘yung siya lang ang naroon at hindi kasama ang kanyang pamilya.
“Ang mommy niya at mga kapatid (half-siblings) ay nandoon tapos sila ng tatay niya rito. Talaga lang pong mamumunga ng panghihinayang ‘yung dito napakalaki ng ipinagawa mong bahay, lahat nasusunod mo rito tapos sa pangangarap mong maging artista ng Hollywood, eto ka ngayon nakatira ka sa isang room for rent,” ang kuwento pa ni Nay Cristy.
Dagdag pa, “E, kahit naman pala si James Reid room for rent ang tinitirhan.”
Opinyon naman ni Romel Chika, “Alam mo itong dalawang ‘to gusto talaga nilang maranasan ang proseso na magsimula sa (mababa).”
Sinang-ayunan naman ito ni ‘Nay Cristy, “Tama, may ganu’n naman talaga kung baga they will take it the hard way. Totoo naman iyon napakasarap magsimula sa zero.”
Sabi naman ni Wendell na kapag sa ibang bansa ka nakatira ay iba ang cost of living doon at kahit na may mga ipon ay masasaid kapag walang pumapasok na kita kaya siguro sa isang kuwarto sila naninirahan para makatipid.
Suhestiyon ni Wendell para kahit paano may income ang aktres ay magtrabaho na lang ng kahit ano.
Sinang-ayunan naman din ito ng batikang manunulat at host, “Sa Amerika kasi may dignity of labor, hindi ka sinusukat ayon sa trabaho mo. Magaganda pa nga ang ginagawa ng mga Pinoy, mauutak ang mga Pinoy.
“Daig pa nila ang mga sumusuweldo ng buwan-buwan nan ago-opisina. Alam mo sa Amerika talaga ang mga Pinoy parang Kangkong talaga kahit saan mo itapon, mabubuhay at tutubo. Iba ang mga Filipino,” aniya pa.
Going back to Liza ay nagkaroon lang ng pagkukumpara dahil sa magandang buhay niya rito sa Pilipinas kaysa sa buhay niya ngayon sa Amerika.