Pipay ka-face raw ni Valentine Rosales: ‘Hindi ko matanggap! Wala akong masabi, sumama lang ang loob ko!’

LAUGH trip ang hatid ng isang video na ibinandera ng social media personality na si Pipay kung saan ipinakita niya sa madlang pipol ang ilan sa mga ka-lookalike raw niya.

In fairness, ang daming pinatawa at pinaligaya ni Pipay sa bago niyang content, lalo na nang ikumpara niya ang itsura sa kontrobersyal at kapwa socmed personality na si Valentine Rosales.

Mapapanood sa unang bahagi ng kanyang video ang paggamit niya ng isang filter app kung saan pinagtabi ang litrato nila ni Valentine.

Hirit ni Pipay, hindi raw niya feel na si Valentine ang ka-face niya kasabay ng pagre-rate niya sa nasabing app.

“Hindi ko matanggap! Okay, 9 out of 10, wala akong masabi, sumama lang ang loob ko,” ang pabirong banat ni Pipay.

Kasunod nito, ikinumpara rin ng komedyante ang kanyang mukha sa iba  pang celebrities. Tawang-tawa naman ang netizens sa pinaggagawa ni Pipay kasabay ng mga nakakalokang reaksyon sa comments section ng kanyang post.

Baka Bet Mo: Chie Filomeno sinupalpal si Valentine Rosales: Tumigil ka nang clout chaser ka!

At isa nga sa mga nag-iwan ng komento at si Valentine na sa halip na mapikon at magalit ay natawa rin sa pinagsasabi ni Pipay.

“Aliw hahaha labyu Pipay,” ang chika ni Valentine na sinundan pa niya ng laughing at hearts emoji.

Ang maikli namang sagot ni Pipay sa kanya, “lol”.

Libu-libong reactions na ang nakuha ng ang video ni Pipay sa kanyang Facebook account at mahigit kalahating milyong views naman sa TikTok na halos lahat ay nagsabing pinasaya ng komedyante ang kanilang araw.

Related Chika:

Friendship hugot ni Valentine Rosales: Balang araw kaibigan mo rin ang titira sa ‘yo sa likod, believe me masakit talaga!

Read more...