Maja super happy sa kanyang bachelorette party, Maine, Kathryn, Miles Kakai nakisaya: ‘Papunta na ko sa new chapter ng buhay ko, I’m scared!’

Maja super happy sa kanyang bachelorette party, Maine, Kathryn, Miles Kakai nakisaya: 'Papunta na ko sa new chapter ng buhay ko, I'm scared!'

Maja Salvador

BAGO tuluyang magbabu sa pagiging single at magpakasal sa kanyang fiancé na si Rambo Nuñez, nagpakasaya muna si Maja Salvador sa kanyang bachelorette party.

Wala pang ibinibigay na detalye ang TV host-actress tungkol sa wedding nila ni Rambo pero may isang impormasyon daw siya pwede niyang ibahagi sa publiko.

“Kung meron man akong pinakamaise-share, beach wedding,” sey ni Maja. Inaasahang magaganap ang kasalan sa darating na July.


Ang naganap namang bachelorette party ni Maja ay dinaluhan ng mga malalapit niyang kaibigan in and out of showbiz, kabilang na riyan sina Miles Ocampo, Kakai Bautista, Maine Mendoza, Pooh, Lara Quigaman, MJ Lastimosa at Kathryn Bernardo.

Baka Bet Mo: Kasalang Maja Salvador-Rambo Nuñez tuloy na tuloy na sa July

Nag-post si Maja ng ilang video sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang ilang mga naging kaganapan sa nasabing party.

Blue ang naging color motif ng event pero dumating si Maja sa venue suot ang kanyang white shoulder-revealing dress OOTD with matching veil and sash.

“Papunta na ko sa new chapter ng buhay ko. I’m scared!”


“Kasi kung ibabahagi ko siya sa bawat role na gagawin ko, this time parang nakakatakot dahil wala ng direktor na magka-cut, wala ng actor’s cue, ito na yung totoong buhay and excited ako,” ang bahagi ng speech ng aktres.

Kamakailan, nagpaalam na si Maja sa kanyang “Eat Bulaga” family para makapag-focus sa wedding preparations.

Sa pamamagitan ng official statement ng Crown Artist Management, ang pag-aari niyang talent management company, ipinaalam ng aktres sa mga Dabarkds all over the universe ang pamamaalam niya sa Kapuso noontime show.

Ibinandera nina Maja at Rambo ang kanilang engagement noong April 17, 2023. Kalakip ang litrato niya kasama si Rambo, ipinakita rin ni Maja ang singsing na isinuot sa kanya ng future husband noong mag-propose ito.

“My new beginning,” ang maikling caption ni Maja sa kanyang IG post.

Alodia Gosiengfiao malapit ng ikasal kay Chris Quimbo, nagkaroon ng bachelorette party

Rambo Nuñez nag-propose na kay Maja Salvador: The best part is yet to come my love…

Read more...