Nadine ‘di feel kapag tinatawag ng fans sa mga karakter na ginampanan niya: ‘Nagkaroon ako ng identity crisis, hindi ko na kilala ‘yung sarili ko’

Nadine hindi feel kapag tinatawag ng fans sa mga karakter na ginampanan niya: 'Nagkaroon ako ng identity crisis, hindi ko na kilala ‘yung sarili ko'

Nadine Lustre (Photo from Instagram, Tatler Philippines)

INAMIN ni Nadine Lustre nang sumailalim siya sa Legit Lie Detector Test vlog ni Bea Alonzo na hindi niya gustong tinatawag siya sa karakter na ginagampanan niya sa kanyang mga projects.

“Kapag nagtu-tour ako ang tawag sa akin ng mga tao ay ‘yung pangalan ng characters ko. Nawala ako in some point na hindi ko na kilala si Nadine at hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Love me for who really am rather than the character,” katwiran ng morenang aktres.

Kaya nang maging aktibo ulit sa showbiz ay siya na mismo ang namimili ng projects na gusto niyang gawin.


“Dati kasi parang ‘sige gawin na lang natin para may project.’ Ngayon namimili na talaga ako.

“Noon parang na-depress ako na parang how my life was, parang work lang walang rest. It really messed up my mental health tapos nagkaroon ako ng identity crisis that time kasi hindi ko na kilala ‘yung sarili ko.

“I was trying to be someone who I wasn’t. I was such a pleaser people back then pero ngayon parang ‘ayaw mo, e, di ‘wag!’” paliwanag ng aktres.

Natanong ni Bea na naging parte ng popular loveteam na JaDine noon ang dalaga at sa tingin niya ay nagkaroon sila ng kumpetensiya kasama ang KathNiel at LizQuen.

“I didn’t like that there was a competing us speculate. Para sa akin back then hindi ko nage-gets kung bakit may ganu’n. So, I was more of just doing of what I have to do.


“Napi-feel ko talaga na pinagko-compete kami ng mga tao pero hindi ko siya iniisip, I’m competitive, pero ayaw ko (kumpetisyon ng loveteams), I’m just doing my thing.

“Hindi ko rin gets bakit kailangan may competition, even until now nakikita ko (sa mga bagong loveteams),” esplika ni Nadine.

Inamin din ng aktres na napagalitan at nasigawan na rin siya ng direktor, “Yes at diyan ako natutong umiyak kasi hindi ako makaiyak sa eksena.

Baka Bet Mo: DonBelle hindi lang basta pakilig sa ‘He’s Into Her,’ level-up ang akting: It’s not a joke, nakaka-drain

“Sabi niya ____ (pangalan ng direktor), ‘ano you want this, this, hindi mo naman kaya, eh.’ Tapos umiyak ako, nu’ng umiyak ako nag-sorry siya sa akin after.  Pinapaiyak lang daw niya ako at iyon ang naging motivation ko,” natatawang pag-alala ni Nadine.


Sa tanong kung may regrets ba si Nadine sa mga ginawa niya noon, “Wait lang trying to figure out. Ha-hahaha! Sabi ko naman sa ‘yo I can’t lie. Ha-hahaha! Meron pero huwag na nating pag-usapan. Ngayon inisiip ko kung bakit ko ba ginawa ‘yung project na ‘yun.”

Maging sa pagkanta ay may regret din siya na kinanta niya ito at hulaan na lang daw ng readers kung anong kanta ito.

Samantala, gusto nina Nadine at Bea na magkaroon sila ng project na magkasama kaya nanawagan sila kay Direk Mikhail Red na pareho na nilang nakatrabaho.

Si Mikhail at Nadine ay nagkasama sa Metro Manila Film Festival 2022 entry na “Deleter” kung nanalo ang dalaga ng best actress. Naidirek naman ni Mikhail si Bea sa pelikulang “Eerie” noong 2018 kasama si Ms. Charo Santos-Concio.

Isa rin sa pangarap ni Nadine ay ang makatrabaho sina Vilma Santos at Maricel Soriano.

Aljur gustong makilatis ang bagong dyowa ni Kylie: ‘Hindi ko siya kilala, yun ang wino-worry ko ngayon’

Enrique Gil tutuloy pa kaya sa pagganap sa ‘It’s Okay Not To Be Okay’?

Read more...