SA susunod na buwan na kokoronahan ang bagong mga reyna ng Binibining Pilipinas!
Inanunsyo ng pageant organizers sa pamamagitan ng social media post na mangyayari ang coronation night ng 59th Binibining Pilipinas beauty pageant sa May 28 sa Smart Araneta Coliseum.
“The night we have all been waiting for is finally coming [crown emoji],” caption sa isang Facebook post.
Lahad pa, “The biggest, the grandest and the most beautiful night of our year is happening on May 28, 2023 at the Smart Araneta Coliseum.”
“Tickets will be available soon. Hope to see you all there!,” anila.
Apatnapung naggagandahang dilag ang maglalaban-laban para sa titulo ng Miss International Philippines at Miss Globe Philippines.
Wala pang opisyal na anunsyo kung magdadagdag ng panibagong titulo ang pageant matapos mawala ang local franchise para sa Miss Intercontinental at Miss Grand International.
Nakatakdang lumaban ang reigning Binibining Pilipinas International na si Nicole Borromeo sa Tokyo, Japan sa darating na October 26.
Ibig sabihin niyan, ang kokoronahang bagong Binibining Pilipinas International sa Mayo ay sa taong 2024 pa ipepresenta ang ating bansa para sa Miss International pageant.
Matatandaang noong Pebrero, opisyal na ipinakilala ang mga kandidata na nakapasa sa final screening ng nasabing kompetisyon.
Ayon kay Raymond Villanueva, member ng Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI) Executive Committee, ang batch ngayong taon ay talaga namang “beauty and brains.”
“This is one of the most intelligent batches. Everyone was just so confident, no buckle, no nothing,” sey ni Villanueva.
Related Chika:
Bb. Pilipinas kaisa ng ‘Earth Hour’, nirampa ang eco-friendly na mga kasuotan