HANGGANG ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan ng Kapuso actor na si David Licauco ang mga nangyari sa kinasangkutan niyang car accident noong 2013.
Sa kanyang panayam kay Karen Davila na mapapanood sa YouTube channel ng huli, sinabi niyang isang “life-changing” at isang “miracle” ang nangyari sa kanya.
Pagbabaliktanaw ni David sa mapait na nakaraan, magkakasama raw sila noon ng kanyang mga kaibigan noong high school at natripan nilang pumunta sa Tagaytay.
Magbabarkada kami, high school friends, and we decided to go to Tagaytay. Yung pag-uwi namin, na-hit namin yung gas truck sa SLEX (South Luzon Expressway). I was in the passenger seat in front.
Ani David, noong nagba-backing ang sasakyan nila ay may isang parking boy na nagpaalala sa kanya na magsuot ng seat belt.
“Parang miracle siya, kasi I remember, yung nagba-backing yung kotse sa Leslie’s, di bayung parking boy usually nasa side nung driver? Pero for some reason, nandoon siya sa side ko.
“Sabi niya, ‘Sir, seatbelt lang po, ha.’ Pero natulog ako kasi I was very sleepy,” pagbabahagi ni David.
Nasa may SLEX toll gate na raw sila nang magising siya at doon niya naisipang mag-seat belt gaya ng naging paalala sa kanya.
Baka Bet Mo: David Licauco umalma nang tawaging ‘jutay’ ng basher: Malaki siya besh!
Ngunit sampung minuto makalipas ang kanyang pagsi-seatbelt ay bumangga sila sa gas truck sa SLEX along Parañaque na siyang naging dahilan ng pagpanaw ng kanyang kaibigan.
“We were five, yung best friend ko namatay siya. He was my best friend. He was my neighbor and we grew up together. I always play basketball with him,” pagbabahagi ni David.
Kaya naman sinisi niya ang sarili sa pagkawala nito.
“Medyo sinisi ko rin yung sarili ko kasi, ‘What if I didn’t sleep, what if sinamahan ko yung driver?’ Puwede siyang maiwasan kung mas naging aware ako, kung mas naging wise ako in that situation,” may panghihinayang na sabi ni David.
At dahil na rin na naranasan ay mas natuto ang binata na pahalagahan ang pangalawang buhay na ibinigay sa kanya pati na rin ang mas ma-appreciate ang mga tao sa paligid niya.
“Marami akong realization noong na-bedridden ako. Parang na-realize ko yung importance of life. Mas minahal ko yung sarili ko, mas minahal ko yung friends ko and family because you never know like life is lent to us,” lahad ni David.
Naniniwala rin siya na kaya siya nanatiling buhay ay dahil hindi pa tapos ang purpose niya sa buhay.
Sey ni David, “I also thanked Him na parang meron pa akong purpose—maybe kaya ako hindi pa kinuha ni Lord is because I have a purpose pa in life.
“I’d like to think na I wanna serve as an inspiration to the youth, to my fans, friends, and family.”
Related Chika:
David Licauco wish makatrabaho sina Kathryn at Daniel: ‘Pinanood ko mga movies nila, kinikilig talaga ako sa kanila’