R’Bonney Gabriel bibisita ng Pinas sa Mayo, magiging ‘special guest’ ng Miss Universe PH coronation

R'Bonney Gabriel bibisita ng Pinas sa Mayo, magiging ‘special guest’ ng Miss Universe PH coronation

PHOTO: Instagram/@rbonneynola

PASABOG ang magaganap na coronation ng Miss Universe Philippines!

Mga bigatin ba naman kasi ang mga kinuhang performers at dadalong special guests sa darating na Mayo.

Caption pa ng Miss Universe Philippines organization sa social media, “From sensational hosts, world-class performers, and queens that have conquered the universe — catch them all live at the Miss Universe Philippines coronation night on May 13.”

Kumpirmadong bibisita sa Pilipinas ang reigning Miss Universe na si R’Bonney Gabriel at magsisilbi siyang guest ng nasabing event.

Magugunitang noong nakaraang buwan lamang, unang inanunsyo ng reigning Miss Universe sa isang interview ng lifestyle show sa Texas na magkakaroon siya ng malaking event sa ating bansa.

Makakasama ni R’Bonney dito sa Pilipinas si Miss Universe 2019 na si Zozibini Tunzi.

Baka Bet Mo: Boy Abunda totoong kinuhang host sa 71st Miss Universe pageant pero bakit nga ba hindi natuloy?

Ayon din sa organizers, ang magsisilbing main pageant hosts ng coronation night ay mga aktor na sina Alden Richards at Xian Lim.

Habang ang magiging backstage hosts ay sina Miss Globe 2021 Maureen Montagne at ang celebrity na si Tim Yap.

Ang bubuo naman sa star-studded event ay ang South Korean idol na si Nam Woo-hyun at ang Filipino American singer na si Jessica Sanchez na nakatakdang mag-perform.

38 official candidates ang maglalaban-laban para sa titulong Miss Universe Philippines na kasalukuyang hawak ni Celeste Cortesi.

Ang magiging grand winner ngayong taon ay isasabak sa El Salvador na kung saan ay posibleng makuha ng ating bansa ang ika-limang titulo ng Miss Universe.

Related Chika:

Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel proud sa pagiging Pinoy: Mabuhay Philippines! Maraming, maraming salamat sa lahat ng tulong n’yo!

Read more...