Paalala ni Inka Magnaye sa lahat ng mga napapraning, huwag katakutan ang edad na 30: ‘But the key is to learn’

Paalala ni Inka Magnaye sa lahat ng mga napapraning, huwag katakutan ang edad na 30: 'But the key is to learn'

Inka Magnaye

RELATE much ang mga netizens sa latest hugot ng social media personality at voice talent na Inka Magnaye patungkol sa pagtungtong ng isang tao sa edad na 30.

Ayon kay Inka na naging bahagi rin noon ng longest-noontime show sa bansa na “Eat Bulaga“, kung sasabak siya sa “May-l-Choose” challenge, ang pipiliin daw niya ay ang panahon noong mag-30 na siya.

Sabi ng dalaga, napakarami niyang natutunang life lessons noong nasa 20s ang edad niya na nagamit at naisabuhay niya mula nang mag-30 siya, kabilang na rito ang pagiging matapang at wala nang kinatatakutan.


Sa kanyang social media post, pinaalalahanan ni Inka ang lahat ng nasa age bracket na 20s na huwag katakutan ang pagtungtong sa edad 30.

“My insecurities always got the better of me in my 20s. I allowed them to dictate my thoughts and actions.

Baka Bet Mo: ‘EB’ Dabarkads Inka Magnaye umaming may PCOS; inaatake ng anxiety at depression

“I was reactive, had the worst habits, and was constantly trying to prove myself to a world that wasn’t asking that of me,” simulang pahayag ng 34-anyos na voice talent.

Pagpapatuloy pa niya, “My 30s has me reaping all the lessons I learned in my 20s, but the key is to learn.


“The reward is I feel more confident about myself, more secure, more powerful, more beautiful, and I just keep getting healthier and stronger as the years pass, body and mind,” sey pa niya.

Feeling din ni Inka, mas naging mabuti siyang tao at mas humaba pa ang pasensiya habang nadadagdagan ang kanyang edad.

“I am also kinder, more forgiving, but I also have less patience for bullsh*t as a result of knowing my worth,” sabi ng dalaga.

Pahabol pa niya, “If you learn from your mistakes, kids, then there’s no need to be afraid of your 30s.”

Paalala ni Inka Magnaye sa lahat ng may alagang hayop: ‘Huwag silang palakarin sa mainit na semento at buhangin’

Bianca Gonzalez magagamit ang pagiging nanay bilang host ng The Voice Kids: ‘This is the perfect time for me to join the show’

Read more...