ISANG kasaysayan ang para sa LGBTQIA+ community ang pagkapanalo ni Jervi Li o KaladKaren bilang kauna-unahang Best Supporting Actress sa nagdaang Summer Metro Manila Film Fest (MMFF).
Nitong Martes, April 11, naganap ang Gabi ng Parangal kung saan binigyan ng pagpupuyag ang mga film entries na nag-excel sa kauna-unahang edisyon ng Summer MMFF.
Talaga namang nakaka-proud dahil unti-unti nang nabibigyan ng pagkakataon ang mga transgender na makilala sa film industry. Nagwagi na rin ang transwoman na si Iyah Mina noong bilang Best. Actress at ngayon naman ay si KaladKaren para sa Best Supporting Actress sa kanyang pagganap sa pelikulang “Here Comes The Groom”.
Labis labis ang pasasalamat ng TV host-actress-comedienne sa mga taong naging bahagi ng kanyang bagong achievement.
“Itong parangal na ito ay hindi lamang po recognition ng aking trabaho, kundi pati na rin po ng aking pagkatao,” saad ni KaladKaren.
Sa katunayan, hindi raw niya inaasahan na magkakaroon siya ng tsansa na magwagi ng parangal.
“When I entered show business, I never thought na magkakaroon po ako ng award kasi as a transgender woman, I thought, I will never be enough,” pagpapatuloy ni KaladKaren.
Baka Bet Mo: Enchong Dee umaming matinding challenge ang gumanap na transwoman: ‘Ang hirap maging babae!’
Read more: #ixzz7ybHfgZFk
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
Inialay niya ang kanyang natanggap na parangal sa kanyang mga kapwa transgender, mga drag artists, at iba pang miyembro ng LGBTQIA+ community “whose lives and existence are being threatened in the world right now”.
Pagpapaalala pa ni KaladKaren, “I wanna remind all of you that we are more than enough.”
Nagpasalamat rin siya sa lahat ng miyembro ng jury na pinamumunuan ng Golden Globe awardee na si Dolly de Leon pati na rin ang buong produksyon ng kanilang pelikula pati ang kanyang mga co-stars na sina Maris Racal, Enchong Dee, Awra Briguela, Xilhouete, at Iyah Mina.
“Thank you for hiring a transgender actress to play a transgender character. Thank you for being truthful,” dagdag pa ni KaladKaren.
Pinasalamatan rin niya ang mga nagilbing role models sa kanyang karera at ang kanyang fiance na si Luke Wrightson.
“Ma’am Karen Davila, if not because of your support, I don’t think KaladKaren will fly. And to Meme Vice Ganda, thank you for opening so many doors for us so we can enter. You’re one of the reasons why I am here tonight and to my love of my life, Luke, kung nasaan ka man. For 11 years, you have shown me and made me feel that I am more than enough,” pasasalamat niya.
“Thank you also sa lahat ng mga batang nangangarap, mga LGBTQIA+ na kids. Mga batang beki. Huwag kayong matakot maging kayo. At huwag kayong matakot mangarap. Because one day hindi niyo alam, kayo rin ang nandirito,” paalala niya sa mga batang kagaya niya.
Hirit pa ni KaladKaren, “Hindi po ang inyong itsura at kasarian ang mahalaga, kung hindi ang inyong puso at kaluluwa.”
Related Chika:
Kaladkaren: Sabi nila ’15 minutes of fame mo lang ‘yan, hanggang diyan ka na lang, hindi ka sisikat’
Kaladkaren sinagot ang tanong ng netizen na, ‘May p*k* na po ba kayo?’