PINANGALANAN na ang mga nagwagi sa kauna-unahang summer edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ginanap ang Gabi ng Parangal ngayong ngayong Martes, April 11 sa New Frontier Theater.
Talaga namang hakot awards sa naganap na summer MMFF ang pelikulang “About Us But Not About Us” na pinagbidahan nina Elijah Canlas at Romnick Sarmenta sa direksyon ni Jun Lana.
Ilan sa siyam na parangal na napanalunan ng naturang pelikula ay ang best picture, best director, best lead actor, at best screenplay.
Samantala, itinanghal naman bilang Best Actress ng first-ever Summer MMFF si Gladys Reyes sa naging pagganap niya sa pelikulang “Apag” at si Romnick Sarmenta naman ang nanalo bilang Best Actor.
Hindi naman papahuli si Keempee de Leon na nagwagi bilang Best Supporting Actor habang si Jervi Lee o mas kilala bilang si KaladKaren ang kauna-unahang transgender na na-nominate ang nanalo bilang Best Supporting Actress na kapwa gumanap sa pelikulang “Here Comes The Groom”.
Pinarangalan rin ng special jury prize ng Summer MMFF ang aktor na si Elijah Canlas sa kanyang pagganap sa “About Us But Not About Us” pati na rin ang produksyon ng “Here Comes The Groom”.
Ang mga nanalo ay pinili ng board of jurors na pinangunahan ng Golden Globe nominee at isa sa cast ng award-winning movie na “Triangle of Sadness” na si Dolly de Leon.
Narito ang buong listahan ng mga nanalo sa first Summer Metro Manila Film Festival 2023.
- Best Picture: About Us But Not About Us
- Second Best Picture: Love You Long Time
- Third Best Picture: Here Comes the Groom
- Best Director: Jun Robles Lana (About Us But Not About Us)
- Best Actor in a Leading Role: Romnick Sarmenta (About Us But Not About Us)
- Best Actor in a Supporting Role: Keempee de Leon (Here Comes the Groom)
- Best Actress in a Leading Role: Gladys Reyes (Apag)
- Best Actress in a Supporting Role: Kaladkaren / Jervi Li (Here Comes The Groom)
- Best Screenplay: Jun Robles Lana (About Us But Not About Us)
- Best Cinematography: Neil Daza (About Us But Not About Us)
- Best Editing: Lawrence Ang (About Us But Not About Us)
- Best Sound: Armand de Guzman (About Us But Not About Us)
- Best Musical Score: Teresa Barrozo (About Us But Not About Us)
- Best Original Theme Song: Paralaya by Andy Alviz (Apag)
- Best Production Design: Marxie Maolen Fadul (About Us But Not About Us)
- Special Jury Prize: Here Comes the Groom at Elijah Canlas
Mapapanood pa rin ang walong entries ng Summer MMFF sa mga sinehan hanggang April 18.
Related Chika:
Summer MMFF 2023 entry na ‘Single Bells’ planong iboykot ng mga galit na galit kina Aljur at Alex, Angeline nadamay
Enchong Dee pak na pak ang pagiging transwoman; Kaladkaren hirap na hirap magpakalalaki