AYON sa survey ng Publicus Asia, mas maraming Pilipino ang handang-handa nang mamasyal at magbakasyon ngayong panahon ng tag-init.
Sabi sa survey, 71% sa mga Pinoy ang may plano nang magbakasyon sa mga buwan ng March hanggang May.
Mula diyan sa mayroon nang travel plans, 69% ay within the country, 7% ang may balak na mag-abroad, habang 24% ay may planong mamasyal parehong domestically at internationally.
Bukod diyan ay nakita din sa survey na 75% sa mga Pinoy ang mas panatag ang loob na mas ligtas na mag-travel sa Pilipinas matapos ang ilang taon ng COVID-19 pandemic.
Samantala, 76% ng ating mga kababayan ang payag na mas paluwagin ang border restrictions para sa mga foreign visitors, habang nasa 75% ang may kumpiyansa n babalik na ang ating bansa sa pre-pandemic levels.
Isinagawa ang nasabing survey mula March 2 hanggang 6 sa 1,500 respondents.
Read more:
Bianca King manganganak na, mensahe sa baby: Come when you’re ready, we are now ready for you