NAGLABAS ng health advisory ang US Centers for Disease Control and Prevention tungkol sa panibagong uri ng Ebola virus, ang “Marburg virus.”
Ang mga kaso nito ay unang naitala sa Equatorial Guinea at Tanzania ng Africa at kasalukuyan nang nagdudulot ng outbreak.
Para sa kaalaman ng marami, Ang Marburg ay isang bihira ngunit lubhang mapanganib na viral fever na nagdudulot ng hindi maipaliwanag na pagdurugo, katulad ng Ebola.
Babala ng CDC na bagamat wala pang mga kaso sa Estados Unidos ay dapat maging maingat na ang healthcare providers sakaling magkaroon ng imported cases.
Ang Marburg virus ay nakakahawa lamang kapag mayroon mga sintomas, kabilang na riyan ang lagnat, sakit ng ulo, sakit sa kalamnan at kasukasuan, pagkapagod, kawalan ng gana sa pagkain, gastrointestinal symptoms, at di-maipaliwanag na pagdurugo o bleeding.
Hindi kagaya ng COVID-19 virus na “airborne,”, ang Marburg ay pwedeng kumalat through contact o kapag nadikit sa iyong balat ang dugo o iba pang body fluids ng taong may impeksyon.
Dahil bago ang virus, wala pang bakuna o treatment para rito.
Nitong Marso, nagbabala ang CDC sa mga biyaherong papuntang Equatorial Guinea at Tanzania na iwasan ang mga may sakit at bantayan ang kanilang kalusugan sa loob ng tatlong linggo matapos bumisita sa mga bansang iyon.
Payo ng ahensya, kumonsulta agad sa doktor kapag may nararamdaman na mga sintomas.
Nagpadala na rin ang CDC ng mga tauhan sa Africa upang tumulong labanan ang outbreak.
Noong nakaraang buwan lang inanunsyo ng Ministry of Health of Tanzania ang naging outbreak sa kanilang lugar.
As of February 5, walong kaso na ang naitala sa Tanzania at lima riyan ay nasawi.
Habang sa Equatorial Guinea naman ay nagkaroon ng outbreak noong Pebrero at noong Enero pa nakapagtala ng mga nasawi.
Read more:
Edu naaliw sa media advisory ng ‘Mga Gwapo For Leni’, muntik magpa-presscon dahil kay Piolo