Dimples ibinandera ang natupad na ‘bucket list’, nagpayo tungkol sa kahalagahan ng pag-asa

Dimples ibinandera ang natupad na ‘bucket list’, nagpayo tungkol sa kahalagahan ng pag-asa

PHOTO: Instagram/@dimplesromana

MASAYANG ibinandera ng award-winning actress na si Dimples Romana ang isa sa natupad niyang “bucket list.”

Ito ay ‘yung makapunta sa historical place ng Peru, ang Machu Picchu.

Sa Instagram, Makikita ang masasayang litrato ni Dimples na tanaw sa kanyang background ang magandang tanawin.

Caption pa niya, “Bucket list! [peru flag emoji] Machu Picchu [red heart emoji]  Woke up more grateful than usual [white heart emoji] The day spent going up Machu Picchu was lovely. Nakisama talaga the weather.”

Nakwento pa ng aktres na malalayo ang tourist sites sa nasabing bansa at ito ay nagturo sa kanya na maging mapagpasensya at ma-appreciate ang kagandahan ng lugar.

“When in Peru the sites are quite far from each other but somehow the travel and rides will teach you patience in seeking beauty and wonder,” saad sa IG post.

Aniya pa, “Every step was worth taking [smiling face with hearts emoji] because not only were the sites gorgeous and magical- the people were too [red heart emoji].”

Baka Bet Mo: Payo ni Dimples sa lahat ng magulang: isa-isang kilalanin ang mga anak at hayaang magpakatotoo sa sarili

Sa isa pang IG post ay makikita ang isang video na kinakausap niya ang kanyang anak na umiiyak habang inaakyat nilang dalawa ang tutok ng Magical Rainbow Mountain ng Peru.

Ayon kay Dimples, malapit na nilang mapuntahan ang peak ng nasabing bundok pero tila umayaw na ang kanyang anak.

Payo tuloy niya, okay lang magpahinga pero huwag susuko.

“The temptation to give up usually comes moments or a few steps right before we reach the peak of our mountains and the reality of our dreams,” caption niya.

Ani pa niya, “Take the time to pause and rest but never ever give up on yourself. Happy Easter everyone [red heart emoji].”

Read more...