Maxene Magalona ibinandera ang kahulugan para sa kanya ng Easter Sunday: ‘This is a sacred time for renewal and rebirth’

Maxene Magalona ibinandera ang kahulugan para sa kanya ng Easter Sunday: 'This is a sacred time for renewal and rebirth'

Maxene Magalona

KNOWS n’yo ba kung ano ang sinisimbolo ng “itlog” sa pagse-celebrate ng Easter Sunday ng mga Filipino bilang bahagi ng Semana Santa o Holy Week?

May sariling paliwanag ang Kapamilya actress na si Maxene Magalona tungkol sa ibig sabihin at kahalagahan ng Easter Sunday sa pagtatapos ng paggunita ng buong mundo sa Holy Week at meron din siyang ibinahaging quote about Easter Egg.

Nagbahagi ng makabuluhang mensahe si Maxene ngayong Linggo ng Pagkabuhay sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.


Aniya, “Just want to share what Easter means to me…This is a sacred time for renewal and rebirth. We are all capable of change,”

“There are parts of us that we must bury and there are parts of us that we must resurrect. This is the beauty of growth and evolution.

Baka Bet Mo: Robi Domingo, Ice Seguerra eeksena sa 4th EDDYS; gabi ng parangal tuloy na sa Easter Sunday

“The process may be hard and tedious but no matter what happens, there will always be hope. Keep going. Your reward will be your freedom and you will eventually receive your flowers.

“Happy Easter, everyone! We love and appreciate You, Jesus,” ang kabuuan ng kanyang caption.


Sa kanyang post, ibinahagi rin niya ang ilang quotes na may kaugnayan sa Easter Sunday tulad na lang ng sinabi ng author at journalist na si Janine di Giovanni. Anito, “Easter is meant to be a symbol of hope, renewal, and new life.”

Sabi naman ng Mental Health Fitness manager na si Siobhan, “The Easter egg symbolizes our ability to break out of the hardened, protective shell we’ve surrounded ourselves with.”

Isa si Maxene sa mga local celebrities na patuloy na nakikipaglaban sa kanilang mental health problems kaya naman palagi siyang nagbabahagi sa social media ng sariling karanasan para makatulong at maging inspirasyon sa ibang tao.

Sa isa niyang Instagram post, ipinangako niya sa sarili, “to live with more intention and purpose.”

“When I asked myself what my intentions are and why I do what I do, these are the words that my heart and soul chose: Growth. Gratitude. Grace,” aniya pa.

Taong 2021 nang aminin ni Maxene na na-diagnose siya ng Complex Post Traumatic Stress Disorder na sinundan ng paghihiwalay nila ng kanyang asawang si Rob Mananquil last year.

Herlene sa ginagawang paghahanda para sa Miss Planet International: Diet po yung kalaban ko talaga! Nakakapraning pala!

Rabiya Mateo nag-alay ng itlog para sa laban ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022: ‘5th crown na to for the country!!!’

Read more...