Taylor Swift, Joe Alwyn naghiwalay na makalipas ang 6 years na relasyon?

Taylor Swift, Joe Alwyn naghiwalay na makalipas ang 6 years na relasyon?

MAY bali-balitang hiwalay na ang international pop star na si Taylor Swift sa boyfriend niyang aktor na si Joe Alwyn matapos ang anim na taong relasyon.

Ayon sa U.S.-based media outlet na Entertainment Tonight (ET) ngayong April 9, ang celebrity couple ay ilang linggo nang nag-break.

Nabanggit din sa exclusive report ng ET na hindi na nagpapakita sa shows ni Taylor ang aktor.

Base naman sa balita ng Page Six at People, naging maayos ang pahihiwalay ng dalawa.

As of this writing ay wala pang kumpirmasyon mula kina Taylor at Joe kung sila ay talagang nag-break na.

Taong 2016 nagsimulang mag-date ang dalawa at matapos ang isang taon ay inamin na nila ang kanilang real score.

Baka Bet Mo: True ba, Taylor Swift nakipag-date sa ‘Train To Busan’ actor na si Gong Yoo sa Amerika?

Para sa mga hindi pa masyadong aware, nagsulat din si Joe sa mga kantang inilabas ni Taylor Swift.

Kabilang na riyan ang “Betty,” “Champagne Problems,” “Coney Island,” “Sweet Nothing,” at marami pang iba.

Samantala, abala ngayon ang pop star sa kanyang concert tour na pinamagatang “The Eras Tour.”

‘Yan ay para i-promote ang kanyang apat na album – ang “Lover,” “Folklore”, “Evermore” at “Midnights.”

Nagsimula ‘yan noong March 17 sa Glendale, Arizona at matatapos ng August 9 sa Inglewood, California.

Related Chika:

Taylor Swift gagawa ng sariling pelikula, sasabak na rin sa pagiging direktor

Read more...