Coach Bamboo unang nakakumpleto ng 18 contestants para sa Team Kawayan ng The Voice Kids PH, may pangako sa mga napiling bagets
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Bamboo
NALALAPIT na ang pagtatapos ng mga blind audition nang unang mapuno ni Bamboo ang kanyang team na Kamp Kawayan na kinabibilangan ng 18 na miyembro sa “The Voice Kids” noong Linggo, April 2.
Malugod na tinanggap ni Bamboo ang dalawang kalahok na nakakumpleto ng kanyang team na sina Ma. Christina Aguilar (12) ng Nueva Ecija at Abigail Libosada (12) ng Bukidnon.
“I will put you in a comfortable position where you can show your best pa. Next time we sing that same song in front of our coaches here, that’s gonna be Kamp Kawayan material,” sabi ni Bamboo kay Abigail matapos nitong mapabilang sa kanyang team.
Sa kabilang banda, isang puwesto na lang ang natitira sa Team Supreme ni KZ Tandingan matapos sumali sa kanyang team ang 3-chair turner na si Leira Raynes (12) ng Caloocan, habang may dalawang puwesto na lang ang MarTeam ni Martin Nievera matapos matanggap rito si Vino Fernandez (10 y.o.) ng Laguna.
Bukod sa mga dumagdag sa mga team noong Sabado at Linggo, nakasali na rin sa Kamp Kawayan sina Janriel Villacruel (9) ng Muntinlupa, Girah Paguiragan (9) ng Ilocos Norte, Kirsten Uy (12) ng Quezon, Akiesha Singh (12) ng Bulacan (12) ng Bulacan (12) ng Bulacan (12) ng Quezon, Charyl Pardo (10) ng Cebu, at Shane Bernabe (12) ng Laguna.
Samantala, dumagdag sa Team Supreme ang mga mahuhusay na bulilit na sina Zoe Quizol (10) ng Quezon City, Noah Donggon (12) ng Bulacan, Marc Antilion (11) ng Dubai, Princess Villanil (12) ng Pasay, Lucho Bobis (11) ng Cagayan, at Janicka Lorenzo (11) ng Bulacan.
Kasama rin sa MarTeam ang mga batang mang-aawit na sina Kendall Valerio (6) ng Bulacan, Jade Casildo (11) ng Tarlac, Krizel Mabalay (12) ng Nueva Ecija, Sean Matthew Drece (12) ng Batangas, Misha Tabarez (10) ng Laguna, Billy Lontayao (10) ng Taguig, Camille Mataga (12) ng Valenzuela, at Rai Fernandez (12) ng Camarines Sur.
Sino ang magpupuno sa natitirang mga slot sa Team Supreme at MarTeam? Alamin sa “The Voice Kids” tuwing weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC simula 7 p.m. at sa TV5 (Sabado simula 7 p.m., Linggo simula 9 p.m.).