ENGAGED na ang aktres at anak ni Maritoni Fernandez na si Lexi Fernandez sa kanyang non-showbiz partner na si Charles Harry.
Nitong Biyernes, April 7, ibinandera ng aktres ang magandang balita sa pamamagitan ng kanyang Instagram page.
“YES,” maikling caption ni Lexi sa in-upload niyang mga larawan kung saan makikitang ipini-flex nito ang kanyang kamay na may suot na engagement ring habang magkahalikan.
Isang araw matapos ianunsyo ng dalaga ang kaniyang engagement sa non-showbiz partner ay ibinahagi naman nito kung gaano siya ka-excite sa bagong chapter na kanilang tatahakin magkasama.
“God’s best. God’s time. Harry, I’ve never been more sure. Thank you for loving me the way you do,” saad ni Lexi.
Pagpaptuloy niya, “I’m so excited to spend the rest of my life with you [emoji] Omg I’m in my fiancé era [emoji]”
Super happy naman ang ina ni Lexi na si Maritoni Fernandez sa masayang event sa buhay ng kanyang anak at talagang full support ito sa dalawa.
Baka Bet Mo: Maritoni Fernandez sa pagiging cancer survivor: Thank you Jesus for every extra hour, day, month, year and decade!
Sa katunayan ay nag-post ito sa kanyang Instagram page ng larawan ng dalawa kalakip ang mensahe para sa newly engaged couple.
“Sharing the good news with everyone… @itslexif Lexi said yes to @ohcharlesharry Harry! Mon @mondayrit and I couldn’t be happier. May your love continue to grow with each breath, my darlings. [emoji],” sey ni Maritoni.
Base sa larawang ibinahagi ng dalaga ay mukhang naganap ang intimate proposal ni Harry sa dalaga sa bahay nito sa HongKong.
Marami naman ang nagpaabot ng kanilang pagbati para sa dalaga.
“Ohh emm geeee!!! CONGRATULATIONS!!! I miss you Lexi!!!” comment ni Rachelle Ann Go.
Sey naman ni Joyce Ching, “OMG! Congratulations soul sis!!!”
July 2022 nang unang ibandera ni Lexi sa publiko ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Charles sa pamamagitan ng pag-upload nito ng video sa Instagram.
Matatandaang noong 2013 nang magdesisyon ang dalaga na mag-lielow muna sa showbiz.
Sa isang tumblr post noong 2016 ay inamin ni Lexi na nakaramdam siya ng anxiety at depression noong aktibo pa siya sa showbiz.
Taong 2019 ay nagtapos siya ng Bachelor of Science in Child Developmentand Education degree sa University of Asia and the Pacific at itinuloy ang kanyang master’s degree sa Australia.
Congratulations, Lexi Fernandez!
Related Chika:
Lexi Gonzales love na love si Gil Cuerva: ‘Masugid siyang manligaw, hindi siya titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto niya’
‘Underage’ star Lexi Gonzales napaiyak dahil sa nangyayari ngayon sa kapatid na may special needs