HINDI nakalimutan ng dating senador na si Kiko Pangilinan ang kaarawan ng anak na si KC Concepcion.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang kanilang larawan kasama rin ang mga kapatid ni KC na sina Miel at Miguel.
“Happy birthday dearest KC! Hope you liked our simple surprise,” saad ni dating Sen. Kiko.
Pagpapatuloy pa niya, “We pray for your safety, good health and protection always. I pray too that the Almighty grants the desires of your heart and that He continues to lead you to fulfill His purpose and His plan for you in your life.”
Ang larawan ay tila kuha habang nasa isang dinner ang apat ngunit tila hindi present ang Megastar at ang isa pa nilang anak nila ni Kiko na si Kakie.
Baka Bet Mo: Anak nina Sharon at Kiko na si Miel umaming proud member ng LGBTQ community: Yes, I’m the gay cousin!
Hirit pa ni dating Sen. Kiko, “We love you very much. Happy birthday! Cheers.”
Marami naman sa mga netizens ang natuwa at napa-comment sa pagbati ng dating senador sa kanyang adoptive daughter.
“Happy birthday KC,” comment ni Ryan Agoncillo.
Saad naman ni Noel Ferrer sa post ni Kiko, “Happy birthday dear @kristinaconcepcion.”
“Happiest Kace,” sey naman ni Eric John Salut.
Nauna naman nang mag-post ng kanyang pagbati ang kabiyak ni Sen. Kiko na si Sharon Cuneta sa kanyang panganay na anak.
Isang tula ang alay nito sa kanyang anak kalakip ang mensaheng “Happy Birthday to my beautiful eldest, my first-born forever, Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion. May you always turn to God and receive all of your heart’s desires. I love you.”
Related Chika:
#SanaAll: Kiko ibinandera ang paglalambing sa asawang si Sharon
Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros biktima ng harassment, winawasak sa social media