SA kasagsagan ng diumano’y marital problem sa pagitan ni Priscilla Meirelles at John Estrada ay nagbigay naman ng suporta sa beauty queen si Inah de Belen.
Si Inah ay ang anak ni John sa dati nitong asawang si Janice de Belen.
Makikitang nag-comment ang anak ni John sa Instagram post ni Priscilla noong March 29 kung saan makikita ang beauty queen na bumibisita sa isang cosmetics store.
“Love you Ate Pri,” maikling saad ni Inah sa post niya kalakip ang isang red heart emoji.
Matatandaang hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang mga posts ni Priscilla ukol sa kanilang pinagdaraanan ng asawang si John.
Unang napunaw ang pansin ng mga netizens matapos mag-post ng Instagram story ang TV host-beauty queen ng tanong na “What to call a female that entertains married man?”
Baka Bet Mo: Priscilla Meirelles tuloy ang pa-cryptic post, Janice de Belen nadamay?
Matapos nga ang ilang araw ng pagkaka-trending sa social media ay inamin ni Priscilla na may pinagdaraanan nga sila ng asawang si John.
“I have been going through a rough time in my marriage for a while already for many reasons. And just like with anyone else, it has been tough.
“I constantly pray for strength and wisdom and hope for better days ahead but the truth is napuno na ako,” lahad ni Priscilla.
Mula noon ay patuloy na ang mga posts nito patungkol sa “keeping her head up” at “ready for war”.
Samantala, wala namang komento ang si John patungkol sa isyung kinasasangkutan.
Base sa latest Instagram post ni Priscilla ay nagbakasyon sila ng kanilang anak na si Anechka.
Matatandaang base sa screenshot ng usapan nila ng Cebu-based influencer na si Chiyo de Vega na siyang diumano’y nauugnay sa kanyang asawa, lilipad raw patungong Cebu ang beauty queen at sana raw ay ma-meet niya ang influencer.
Kung ito ang pagbabasehan, marahil ay sa Cebu nga patungo ang mag-ina para sa kanilang Holy Week break.
Related Chika:
John Estrada sa 12 years na pagsasama nila ni Priscilla Meirelles: ‘Thank you for being the perfect partner, I love you my love!’
Priscilla Meirelles sunud-sunod ang cryptic post, may problema nga ba sa asawang si John Estrada?