HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang nagsisiuwian ng kani-kanilang mga probinsya.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 64,156 na pasahero ang na-monitor nila sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa ngayong Biyernes Santo.
Sa tala ng PCG, may kabuuang bilang na 34,884 ang outbound passengers at nasa 29,272 naman ang inbound passengers simula 12:00 a.m. hanggang 6 a.m. nitong April 7.
At dahil patuloy pa ring dumadami ang mga pasahero, siniguro ng PCG na naka-heightened alert sila sa lahat ng distrito, istasyon at substations upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ngayong Holy Week break mula pa noong April 2 hanggang 10.
“It will also cover the length of summer vacation in anticipation of local tourists traveling by sea for recreational purposes until 31 May 2023,” saad sa inilabas na pahayag.
Pinayuhan ng PCG ang publiko na makipag-ugnayan sa ahensya sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook page o sa Coast Guard Public Affairs (0927-560-7729) para sa mga katanungan, concerns at paglilinaw patungkol sa sea travel protocols.
Noong Miyerkules Santo (April 4), sinabi ng PCG na mahigit 35,000 na mga pasahero ang dumagsa sa lahat ng mga pantalan sa bansa.
Read more:
Pokwang may pasabog na open letter para sa COVID-19; pandemic hugot ni Winwyn: It’s hard and scary