Japan-based Pinoy head director na ng Miss International pageant organizer na ICA | Bandera

Japan-based Pinoy head director na ng Miss International pageant organizer na ICA

Armin P. Adina - April 06, 2023 - 04:58 PM

Kasama ni Stephen Diaz (kanan) si 2005 Miss International Precious Lara Quigaman./CONTRIBUTED PHOTO BY STEPHEN DIAZ

NA-PROMOTE si Stephen Diaz bilang head director ng International Cultural Association (ICA), ang non-government organization na nagtatanghal ng taunang Miss International beauty pageant, isa sa mga pinakaprestihiyosong pandaigdigang patimpalak sa mundo.

“With this position, I am accepting the challenge of making Miss International the most exciting annual pageant of all,” sinabi ng Pilipinong taga-Tokyo sa Twitter account niya noong Abril 5. Nagtratrabaho na siya bilang marketing manager ng asosasyon, at na-promote noong Abril 3 bilang unang Pilipinong naupo sa puwesto.

“I didn’t expect they would give this position to a non-Japanese,” sinabi ni Diaz sa Inquirer sa isang eksklusibong panayam na isinagawa online. Mahigit apat na taon pa lang mula nang opisyal siyang napabilang sa ICA, ngunit tinutulungan na niya ang organisasyon “back in 2013 to 2017 as a Missosology correspondent.”

Isang global pageant page ang Missosology na naghahatid ng balita at ulat hinggil sa beauty contests para sa mga nag-aabang sa buong mundo. “I was covering the [Miss International] pageant and helping as a volunteer staff, until Akemi (Shimomura, ICA chair) headhunted me during [2017 winner] Kevin Liliana’s year,” ibinahagi ni Diaz.

Kasama ni Stephen Diaz (kanan) si 2013 Miss International Bea Rose Santiago/CONTRIBUTED PHOTO BY STEPHEN DIAZ

Sa bago niyang puwesto, umangat si Diaz at direkta na ngayong magre-report kay Shimomura kaugnay ng mga usapin hinggil sa Miss International at Miss International Japan pageants. Ang asosasyon ang nagtatanghal sa mga naturang pandaigdigan at pambansang patimpalak.

“It means I’m taking charge of what’s going to happen at Miss International before, during, and after the pageant. I approve who will be our license holders,” ibinahagi pa niya, habang nililinaw na hindi pa rin siya makapangyarihan “in the whole Miss Paris Group as a conglomerate.”

Mahigit isang dekada nang inuulat ni Diaz ang Miss International pageant sa Japan bago opisyal na kinuha ng ICA, at nasaksihan pa nang putulin ni Precious Lara Quigaman ang nakaiinip na paghinintay ng Pilipinas na manalo nang sungkitin niya ang korona noong 2005, 26 taon mula nang nagwagi si Melanie Marquez noong 1979.

Kasama ni Stephen Diaz (kanan) si 2016 Miss International Kylie Verzosa/CONTRIBUTED PHOTO BY STEPHEN DIAZ

Sa lahat ng mga pinakaprestihiyosong pandaigdigang patimpalak, sa Miss International pageant naitala ng Pilipinas ang pinakamalaki nitong tagumpay na may anim na reyna. Maliban kina Quigaman at Marquez, kinoronahan din ang mga Pilipinang sina Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Bea Rose Santiago (2013), at Kylie Verzosa (2016).

Itatanghal ang 2023 Miss International pageant, ang ika-61 edisyon ng pandaigdigang patimpalak, sa Yoyogi Gymnasium No. 2 sa Shibuya sa Tokyo, Japan, sa Okt. 26. Si Binibining Pilipinas Nicole Borromeo ang babandera para sa bansa sa kumpetisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending