PAGASA: Asahan ang mainit, maalinsangang panahon ngayong Semana Santa

Balita featured image

MAINIT at maalinsangan.

‘Yan daw ang aasahan sa buong linggo ng Semana Santo, ayon sa sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa inilabas na weather advisory noong April 4, sinabi ng weather bureau na dahil ito sa epekto ng tinatawag na “high pressure.”

Para sa kaalaman ng marami, ang high pressure ay isang uri ng weather system na kadalasan ay nagdudulot ng magandang panahon at malinaw na kalangitan.

“The ridge of high pressure and the formation of low pressure area are the dominant weather systems to affect the entire archipelago during the observance of ‘Semana Santa’,” sey sa pahayag ng PAGASA.

Bagamat magiging mainit ang panahon, posible pa rin daw ang konti at mahihinang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Saad ng ahensya, “For today until Friday (4-7 April): The whole country will experience warm and humid weather condition associated with sunny to partly cloudy skies apart from isolated rainshowers and thunderstorms mostly over the Visayas and Mindanao.”

Baka Bet Mo: Knows n’yo na ba kung paano maiiwasan ang ‘heatstroke’ lalo na ngayong tag-init?

Muling paalala ng PAGASA sa publiko ay iwasan ang paglabas sa tuwing tirik ang araw at uminom lagi ng tubig upang maiwasan ang anumang klase ng heat stress.

“The public are warned to lessen their physical outdoor activities during day time hours due to extremely high heat index which may result to heat cramps or heat exhaustion and heat stroke,” abiso ng ahensya.

Anila, “Drink water regularly, avoid wearing dark color clothing and if possible stay indoors particularly between 12:00 to 3:00 in the afternoon.”

May weather forecast din ang PAGASA pagdating ng April 8 hanggang 10 na kung saan ay asahan ang mga pag-ulan dahil sa low pressure area.

Sey sa pahayag, “For Saturday until Monday (8-10 April): Visayas and Mindanao will experience cloudy skies with rainshowers and thunderstorms due to an approaching low pressure system.”

“Luzon will have sunny to partly cloudy skies apart from isolated passing light rains in the afternoon,” pagtataya pa ng ahensya.

Read more:

MMDA nagbigay ng 30-minute ‘heat stroke break’ sa mga field personnel

Read more...