X-Men star Hugh Jackman sumailalim sa medical tests para malaman kung bumalik ang skin cancer, payo sa mga fans: ‘Please wear sunscreen’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Hugh Jackman
BAGO pa man mag-isip ng kung anu-ano ang kanyang mga fans all over the universe, inunahan na ng Hollywood actor na si Hugh Jackman ang mga ito.
Ibinalita ng international star na kilalang-kilala ng publiko bilang si “Wolverine” na sumasailalim siya sa ilang medical test para malaman kung bumalik nga ba ang kanyang skin cancer.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinahagi ng veteran actor nitong nagdaang Martes, April 4, sa kanyang followers ang tungkol sa kanyang health condition.
Ang caption ng aktor sa kanyang IG post, “I know you’ve heard me talk about my basal cell carcinomas before. I’m going to keep talking about them, if need be. And if it reminds even one person to put on sunscreen with a high SPF, then I’m happy.”
Sa kanyang video, makikitang may bandage sa ilong ang Australian actor dahil nga ipina-check niya sa kanyang mga doktor kung meron siyang basal cell carcinoma.
Base sa isang health website, ang basal cell carcinoma, ay isang uri ng skin cancer na nakukuha dahil sa “long-term exposure” sa ultra-violet radition mula sa araw.
Pahayag ni Hugh, “Hey, guys. So, I wanted you to hear it from me just in case someone sees me on the street or whatever.
“I’ve just had two biopsies done. I just went to my doctor, Dr Iron, who’s awesome. And she saw little things, could be or could not be basal cell in her opinion, she doesn’t know.
“I’ll find out in two or three days. As soon as I know I’ll let you know,” aniya pa.
Paalala pa niya sa kanyang mga tagasuporta at IG followers, “Just to remind you, basal cell in the world of skin cancers is the least dangerous of them all.”
Dugtong pa ng Hollywood superstar, kung meron nga siyang basal cell carcinoma ay nagagamot naman ito kaya huwag masyadong mag-alala ang kanyang fans.
Sa huli, pinaalalahanan din niya ang lahat na mas maging maingat sa paglabas-labas ngayon, “However, if I can just take this opportunity, summer is coming.
“Please wear sunscreen. It is just not worth it. No matter how much you want a tan, trust me.
“This is all stuff that happened 25 years ago, its coming out now. Put some sunscreen on. You’ll still have incredible time,” ang advice pa niya sa mga netizens.
Matatandaang ilang beses na ring na-diagnose si Hugh ng basal cell carcinoma at talagang pinatanggal niya ang mga ito.
Bukod sa “The Wolverine”, ilan pa sa mga Hoywood movies na pinagbidahan ni Hugh Jackman ay ang “The Greatest Showman” (2017), “Kate & Leopold” (2001), at ilang franchise ng “X-Men” (2000-2017), at “The Son” (2022).