Mrs. Philippines International pageant walang ‘thank-you-girls’ | Bandera

Mrs. Philippines International pageant walang ‘thank-you-girls’

Armin P. Adina - April 05, 2023 - 12:25 PM

Pinagigitnaan si Mrs. Philippines International Irma Bitzer ng laksa ng mga reyna sa magkabialng gilid niya.

Pinagigitnaan si Mrs. Philippines International Irma Bitzer ng laksa ng mga reyna sa magkabialng gilid niya./ARMIN P. ADINA

 

KARAMIHAN ng beauty contests ilang dilag na lang ang naiiwan sa entablado, kumakaway sa photographers suot ang kani-kanilang mga korona. Ngunit sa katatapos na Mrs. Philippines International pageant, walang “thank-you girls” na naligwak sapagkat ginawaran ng korona lahat ng 21 kandidata.

Labing-apat na ginang ang kinoronahan bilang mga kinatawan ng Pilipinas sa iba’t ibang pnadaigdigang patimpalak sa pagtatapos ng coronation night na itinanghal sa grand ballroom ng Okada Manila sa Parañaque City noong Abril 4, Martes Santo. Nauna nang ginawaran ng mga espesyal na titulo ang pitong iba pang kandidata, na tumanggap din ng mga korona.

Pinuno nila ang dulo ng entabaldo sa pagtatapos ng palatuntunan, kaya nagkumahog na ang photographers at iba pang mga kawani ng midya sa paghahanap ng tamang puwesto upang mkuhanan lahat silang 21 na mga reyna, at napagitnaan na ang pangunahing nanalong si Irma Bitzer ng laksa ng mga reyna sa magkabilang gilid niya. Nangyari ang tagpo halos limang oras mula nang bumandera sila sa entablado para sa opening production number.

Hakot-award din ang bagong reyna mula Cebu City North—Best in Head-to-Head Interview, Best in Advocacy Presentation, Bean Leaf Ambassador, and Best in Festival Costume—at tnanggap ang korona bilang Mrs. Philippines International mula kay Leona Luisa Andersen-Jocson, na nagwagi sa pambansang patimpalak noong Disyembre 2021 at hindi pa nakalalaban abroad. Sasalang si Bitzer sa pandaigdigang patimpalak niya kapag tapos nang bumandera ang predecessor niya.

Tinatanggap ni Irma Bitzer ang korona niya bilang Mrs. Philippines International mula kay Leona Luisa Andersen-Jocson.

Tinatanggap ni Irma Bitzer ang korona niya bilang Mrs. Philippines International mula kay Leona Luisa Andersen-Jocson./ARMIN P. ADINA

Binigyan ng bagong korona si Andersen at mga kapwa niya reyna ng 2021/2022 na sina Elite Mrs. Philippines International Genevieve Louw at Ms. Philippines International Marites Ortega mula sa TKS na nagtatanghal ng Mrs. International pageant na sasalihan nila. Sila ang kakatawan sa Pilipinas sa tatlong kategorya ng naturang pandaigdigang patimpalak na pansamantalang naka-iskedyul sa Oktubre.

Hinirang din sa katatapos na patimpalak bilang mga kinatawan ng Pilipinas sa ibayong-dagat sina Mrs. Philippines Planet Evangeline Pulvera mula Bohol, Mrs. Philippines National Universe Princess Joesel Bajamonde mula sa lalawigan ng Cebu, Classic Mrs. Philippines International Global Liz Tagimacruz mula Cebu City East, Mrs. Philippines Grand International Honeylane Labang mula San Fernando, Cebu, Mrs. Philippines International Global Grezza Day Rosale mula Laguna, at Mrs. Philippines Woman of the Universe Mary Jade Luna mula West Cebu.

Babandera rin sa mga pandaigdigang patimpalak sina Ms. Philippines International Analyn Roxas mula Oriental Mindoro, Mrs. Philippines Earth Vernelie Diane Babasa mula Lipa City, Elite Mrs. Philippines International Vanessa Magbojos mula Bauan, Batangas, Mrs. Philippines Earth Classic Elma Lavajo mula Sogod, Cebu, Mrs. Philippines Worldwide Woman Ruvigene Pantas Labong mula Antipolo City, Mrs. Philippines World Universal Classic Ma. Concepcion Mirabuena mula Sta. Ana, Manila, at Mrs. Philippines World Universal Maria Lezylda Quadra mula sa lalawigan ng Cavite.

Ginawaran naman ng mga espesyal na titulo sina Mrs. Philippines International Imperial Nikka Salve Apungan mula Rizal, Mrs. Philippines Ecotourism Ederly Abel mula Batangas, Mrs. Philippines Heritage Lourdes Ferrera mula Dasmariñas City, Mrs. Philippines Universal Beauty Milani Pareja mula Tanza, Cavite, Mrs. Philippines International Beauty Erica Macatangay mula Batangas City, at Mrs. Philippines Global Beauty Philma Saquisame mula Imus, Cavite.

Ipinagbunyi naman ng Mrs. Philippines International organization ang mga reyna nilang nagkamit ng karangalan sa ibayong-dagat kamakailan, sina Mrs. Grand International Imperial Patrizha Meer-Banzeula, Mrs. National Global Abigael Bayuga, Mrs. Heritage International fourth runner-up Cristhel Bulabon, at ang pinakabaong international beauty queen ng bansa na si Elite Mrs. International Michelle Vitug Encarnacion.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending