Sunshine Cruz dumepensa sa chikang ang grupo nila ang dahilan sa pagkaka-bump off ng ilang pasahero sa eroplano patungong Bali

Sunshine Cruz dumepensa sa chikang ang grupo nila ang dahilan sa pagkaka-bump off ng ilang pasahero sa eroplano patungong Bali

Sunshine Cruz, Sam, Angelina at Chesca Cruz

SINIGURO ni Sunshine Cruz na hindi ang grupo nila ang may kasalanan sa pagkaka-bump off ng ilang pasahero sa kanilang business class seats sa isang eroplano patungong Bali, Indonesia.

Base sa mga Instagram post ng aktres nitong April 3, nagbabakasyon siya ngayon sa Bali kasama ang tatlo niyang anak, si Ruffa Gutierrez na kasama rin ang mga anak, Raymond Gutierrez at Bubbles Paraiso.

Sa isa niyang IG photo, makikita si Sunshine kasama ang mga anak na sina Sam, Angelina at Chesca na kuha sa Indonesia. Aniya sa caption, “Bali with my girls (coconut, desert island, umbrella emojis).”

Sa comments section, isang netizen ang nagtanong kay Sunshine kung sila ba ang grupong nagbabakasyon sa Bali ngayon ang tinutukoy sa kumalat na balita tungkol sa naganap na “offloading” sa isang eroplano ng isang airline company.


Tanong ng netizen kay Sunshine, “Kayo po ba ung VIP daw ng PAL? Kaya may hindi nakalipad na commoner?” Na sinagot naman ng aktres ng, “Booked and paid since 1st week of March.”

Kalat na ngayon sa social media ang post ng isang netizen na nagsasabing na-bump off nga raw ang grupo nila mula sa business class ng sinakyang eroplano patungong Bali.

Baka Bet Mo: Andi Eigenmann lumipad pa-Indonesia kasama si Philmar at mga bata: We were finally able to do it!

“WHAT IS WRONG WITH YOU??!!! I bought our tickets back in September 2022 to Bali so my daughter and I can be with our family and friends for Holy Week,” pagrereklamo ng nasabing pasahero.

Nagulat na lang daw siya nang sabihan sa counter sa airport na bumped off sila at inilipat sa mas mababang cabin class dahil may nakasabay silang “CELEBRITY FAMILY” at ibinigay nga sa mga ito ang upuan nila.

Sabi pa ng netizen: “From what I heard – one of these celebs bought an economy ticket and didn’t want to get seated all the way back or at the exit row…so PAL Supervisor decided to upgrade him. WOW.”


Samantala, nag-reply naman ang isang taga-airline company sa post ng netizen, “We want to emphasize that our policy and practice do not involve bumping off passengers to make room for high-profile travelers.”

Pagbabahagi pa niya sa nangyari, “Two Business Class transit passengers from connecting flight missed their flight to Bali yesterday and the reason was attributable to PAL, which resulted in some overbooking on our flight today.

“To manage the situation, we reached out to our Business Class passengers and asked if anyone would be willing to switch to a different cabin class at check-in.

“This was, of course, accompanied by due compensation. We would like to clarify that all business class passengers, including the passengers you mentioned, were offered this opportunity.

“You were identified for downgrade being the last business class passenger to check-in.

“Fortunately, two passengers accepted the offer, which allowed you and the rest of the business class passengers to keep you original class of service.”

Maxene balik-Pinas makalipas ang mahigit 1 taon sa Indonesia: Mabuhay!

Sharon feeling ‘heartbroken’ iyak nang iyak dahil sa muling pag-alis ni Frankie patungong US

Read more...