Ara Mina may malalim na hugot, may problema nga ba sa pagsasama nila ni Dave Almarinez bilang mag-asawa?

Ara Mina may malalim na hugot, may problema nga ba sa pagsasama nila ni Dave Almarinez bilang mag-asawa?

Ara Mina at David Almarinez

MAY problema ba ang mag-asawang Ara Mina at Dave Almarinez?

Naitanong namin ito dahil may mga sunud-sunod na makahulugang posts si Ara sa kanyang Instagram stories nitong Lunes ng madaling araw.

Mensahe ng aktres, “LORD PLS…(praying hands emoji), PLS GUIDE ME…I’M SOMEWHERE BETWEEN GIVING UP AND SEEING HOW MUCH MORE I CAN TAKE.”

Pagkalipas ng isang oras ay may post uli si Ara sa IG. Aniya, “There’s a difference between giving up and knowing when you’ve had ENOUGH.”


Sinundan pa ito ng Bible verse mula sa Philippians 4:13, “I can do all things through him who’s strengthens me. Amen.”

Baka Bet Mo: Ara Mina aminadong ‘dream come true’ ang makatrabaho si Sharon Cuneta

Maraming beses na naming nakatsikahan si Ara noong dalaga pa siya at kapag may problema siya noon sa mga nakarelasyon niya ay hindi siya nagkukuwento at idinadaan lang sa ngiti kapag natatanong.

Kaya nakagugulat ang sunud-sunod niyang posts na mukhang may kinalaman sa pagsasama nila ng asawang si Dave.

Lalo na nang mabanggit niya ang mga katagang, “LORD PLS…PLS GUIDE ME… I’M SOMEWHERE BETWEEN GIVING UP AND SEEING HOW MUCH MORE I CAN TAKE.”

Anyway, may tinanungan kaming taong malapit kay Ara tungkol sa mga posts niya pero hindi pa kami sinasagot.

Anuman ang pinagdadaanan ngayon ng aktres ay sana maayos na. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Ara hinggil dito.

Ara Mina, Dave Almarinez nagpakasal na sa Baguio; istriktong sumunod sa health protocols

Ara Mina minulto sa shooting: Yung frame bumagsak, naka-steady lang naman siya

Read more...