Xander Ford humiling ng dasal para sa amang may sakit: ‘Pasensya na kung naging makasarili ako…kapit ka lang Papa’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Xander Ford at ang amang may skit
MALUNGKOT na ibinalita ng social media personality na si Xander Ford o Marlou Arizala sa tunay na buhay na dinapuan ng karamdaman ang kanyang pinakamamahal na ama.
Nag-post sa kanyang Facebook account si Xander tungkol sa iniindang sakit ng tatay niya at sinabing naguguluhan na siya kung ano ang kanyang gagawin.
Napakasakit daw para sa isang anak na tulad na niya ang makitang nahihirapan ang taong pinagkakautangan ng kanyang buhay.
“Lord hindi ko alam paano ko tutulungan ang Papa ko grabe na ang sakit na nararamdaman n’ya,” simulang pahayag ni Xander.
Pagpapatuloy pa niya, “Sobrang payat na ng papa ko hindi na sya nakain hindi na sya nainom gamot di na s’ya masyado makalakad.
“Alam ko Lord marami akong pagkukulang… pero nakatulong naman po ako sa ibang tao sana kahit si Papa lang po matulungan N’yo po,” ang bahagi pa ng FB post ni Xander.
Pakiusap pa niya sa ama, “PAPA KAHIT ANONG MANGYARI KAPIT KA LANG PAG OK KA NA IPAPAGAWA KO ‘YANG HINIHIGAAN MO AT BIBILHAN KITA NG GUSTO MO.
“PASENSYA KA NA KUNG NAGING MAKASARILI AKO PAPA SANA LAKASAN MO PA PARA MAKASAMA MO APO MONG SI XERES PAPA,” sabi pa ni Xander Ford.
Wala namang sinabi ang social media personality kung ano ang sakit ng ama.
“Yan yun di ko nagawa ng matagal sa papa ko nun may sakit pa sya papa i love you patawad din.”
“Advice lang po iwasan mo ng magyosi una may anak kana baby pa pati, Pangalawa may tatay kang may sakit.”
“Wag mo kalimutan Ang lahat Ng problema at pghihirap na pinag dadaanan ntin ay mlalagpasan dn bsta kumapit at tiwala lang ky Lord. Ingats.”
“Hanga ako sayo Xander Arizala , mabuti Kang anak. Alagaan at mahalin mo Ng mabuti Yung magulang at sarili mong pamilya. God bless always.”
“Algaan mo hanggang nnjan pa. Ibalik mo saknya ung pag aaruga na dati nya gngwa sayo. Mas kelngan kyo mga anak nya ngaun. Godbless. Miss ko na dn ttay Ko inaasikso ko dn sya pag papakaen papainum ng gamot pag papaaraw minsan pinapalitan ko dn ng damet at misan shinoshortan ko dn sya. Dinadala sa cr. Lht lht na. kso Bandang huli mwwla rn lahat ang sakit. kht npaka hirap. Wag na wag ka mppagod alagaan at tulungan ang mgulang Mo. Godbless.”
Ilan lamang yan sa mga mensaheng ipinost ng mga netizens sa FB page ni Xander.