INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Agriculture (DA) ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga produktong baboy.
Ipinagtataka kasi ito ng ahensya, lalo na’t hindi ito normal sa tuwing sasapit ang Semana Santa.
Sinabi ni Assistant Agriculture Rex Estoperez na nagreklamo na sa kanilang tanggapan ang mga tindero matapos daw itong abisuhan ng kanilang mga supplier na magtataas ng P5.
Kasalukuyan na raw nilang sinusuri ang nasabing price hike at posible rin na dahil ito sa mainit na panahon.
“During the summer season, small players usually reduce their output,” sey ni Estoperez.
Paliwanag pa niya na dahil sa init ay may posibilidad na maraming baboy ang nagkakasakit.
Baka Bet Mo: Netizen inireklamo ang nabiling lechong baboy…hilaw at may dugo-dugo na, may naiwan pang lamang-loob
Bukod diyan ay ikinababahala rin ang panganib ng African swine fever (ASF) na nananatiling malaking hamon pa rin sa lokal na industriya ng baboy.
Ayon sa datos ng Bureau of Animal Industry (BAI), aabot na sa 11 na rehiyon, 21 na probinsya, 54 munisipalidad, at 137 na barangay ang mayroong active cases ng ASF.
Ang mga apektado ng ASF ay ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Soccsksargen, Caraga Administrative Region, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Tiniyak ni Estoperez na sinisikap ng gobyerno na kontrolin ang ASF na unang pumutok noong 2019.
As of March 31, ang presyo ng pork ham (kasim) sa mga pamilihan sa Metro Manila ay mula P290 hanggang P350 bawat kilo.
Ito ay mas mataas kaysa sa P270 hanggang P340 bawat kilo noong March 24, ayon sa price monitoring ng DA.
Read more: