Gladys emosyonal sa premiere night ng ‘Apag’, di nagpatalbog kay Coco: ‘Sana napanood talaga ‘to ng tatay ko’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Coco Martin, Jaclyn Jose, Gladys Reyes at Brillante Mendoza
“ANSWERED prayer” para kay Gladys Reyes ang makatrabaho ang award-winning filmmaker na si Brillante Mendoza at ang Teleserye King na si Coco Martin.
In fairness, ang bongga ni Gladys dahil dalawa ang entry niya sa 1st Summer Metro Manila Film Festival, ang family drama with a shocking twist na “Apag” at ang comedy film na “Here Comes The Groom.”
Una siyang nakachikahan ng members ng entertainment press sa premiere night ng “Apag” na pinagbibidahan din nina Coco Martin, Jaclyn Jose, Lito Lapid, Gina Pareño, Shaina Magdayao, Mercedes Cabral at marami pang iba.
Puring-puri ng mga nanood ng movie ang akting ni Gladys bilang asawang namatayan ng asawa dahil sa aksidente. Ibang-ibang Gladys Reyes kasi ang napanood sa “Apag” kaya hindi imposibleng ma-nominate at manalo siya bilang best actress.
Maluha-luha nga ang magaling na aktres pagkatapos ng screening ng pelikula, “Emotional ako sa upuan ko. Kasi po, sana napanood talaga ng tatay ko ito.
“Dahil siyempre I’m sure tuwang-tuwa siya talaga!” sey ng napakagaling na kontrabida sa naganap na presscon after ng premiere screening ng “Apag” last Tuesday, March 28 sa The Block ng SM North EDSA, Quezon City.
Ito nga ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Gladys si Direk Brillante at Coco, “Tawag ako nang tawag kay Ate Jane (Jaclyn). Kasi kami ni Ate Jaclyn, matagal na kaming nagkakatrabaho.
“Nine years old pa lang ako, ‘Lovingly Yours’ (dating drama anthology), nanay ko na siya! Ha-hahahaha! So sabi ko, ‘Ate Jane…’
“Kasi siyempre, siya yung matagal na pong katrabaho ni Direk Brillante. Pinanood ko uli lahat ng pelikula niya.
“Nasa van ako, first shooting day namin ng Apag, takot na takot din akong… kahit kilay, medyo mapakapal.
“Kung mapapansin ninyo, halos wala talaga akong make-up. Hinagard ko talaga ang sarili ko dahil din sa role. Plus tama rin naman po, kamamatay lang ng papa ko noong October 2021 and then December, ginawa namin yun,” pagbabahagi pa ni Gladys.
Dagdag pa niya, “Nu’ng sinasabi sa akin ni Direk Brillante sa text na, ‘May movie ako, bida ka,’ sabi niya. Parang hindi ako makapaniwala.
“Kasi si Direk ang nag-rebrand sa akin, ha? Dito sa pelikulang ito! Di ba, wala akong inapi dito?! Hindi ako kontrabida.
“Ibang-iba sa lahat ng nagawa ko, yung mga teleserye and some of my movies. At nakatrabaho pa, of course, si Ms. Jaclyn Jose, Kuya July (Julio Diaz), di ba?
“And Coco, thank you! Dahil tinanggap mo talaga ‘to! Ha-hahahaha! Buti hindi yung isa, ikaw ang natuloy! Ha-hahahaha!
“Hindi! Joke lang! Joke lang! Pero kasi po, dahil siyempre iba yung naging impact talaga, di ba? At gustung-gusto talaga ito ni Coco kaya nakakatuwa na mag-i-storycon kami at sinabing si Coco na ang gaganap,” sabi pa ni Gladys na ang tinutukoy ay si Aljur Abrenica na unang choice sa role ni Coco pero bigla itong umatras.
“So, sobrang answered prayer po lahat ito kaya forever grateful to Direk Brillante for this opportunity,” aniya pa.
Reaksyon naman ni Jaclyn, “Di ba, revelation si Ms. Gladys Reyes sa pelikula? Yung nakakagulat na makita siya sa ganitong klase ng role.
“Dramatic role. At ang husay-husay niya. Sabi ko nga sa kanya, ihanda na niya ang gown!” sey pa ni Jaclyn.
First time din ni Gladys to work with Coco, at iba ang impact niyon sa kanya.
“Iba! Kasi I want to work with Coco siyempre. First time namin to work together. Pero wala man lang (naging problema),” sey pa ni Gladys.
Dagdag pa niyang chika, “First day namin, super kuwento na agad ang ano namin. Walang ilangan. Kaya nga lagi kong sinasabi sa mga post ko, wow! One of the most humble men that I met, ano?
“Sabi ko, siguro yun ang common denominator talaga nila ni Direk Brillante, yung success nila, yung humility despite all the success na natamo nila sa career nila, sa buhay nila.
“Hindi ipaparamdam sa yo na, ‘O, si Coco na ako ngayon.’ ‘O, Direk Brillante ako!’ Hindi. Walang ganu’n! Kaya lalong nakaka-inspire,” dagdag ng aktres.
Kung super drama si Gladys sa “Apag”, nag-comedy naman siya sa “Here Comes The Groom” na kasali rin sa 1st Summer MMFF. Kaya ang tanong sa kanya, saang float siya sasampa sa Parade of Stars na gaganapin sa April 2, Palm Sunday.
“Iyon nga, ipinagpapaalam ko na kung puwede, pareho ko talagang masasakyan!” ani Gladys sa presscon-screening ng “Here Comes The Groom” last March 29 sa SM Megamall.
“Pero mahirap din po ang Here Comes The Groom. Kasi comedy, yung timing, e, importante yung bitaw ng salita, tamang-tama, yung punchline.
“Kasi yung nagbitaw ka ng punchline, hindi natawa yung tao, di ba, big deal yun, e.
“Pero yung halimbawa umiiyak ka, hindi naman masyadong naiyak, ganyan… hindi masyadong ano. Pero yung nagpatawa ka, ay, hindi natawa, corny, di ba?
“Kaya hindi ganu’n kadali ang comedy. Mahirap talaga. Kaya sobrang na-appreciate ko po yung mga works ni Direk Chris Martinez.
“God’s perfect timing po na parehong nakapasok sa Summer Metro Manila Film Fest ang Apag at Here Comes The Groom,” pagbabahagi pa ni Gladys Reyes.