MAGING mabuting asawa sa kanyang misis na si Sarah Geronimo.
‘Yan ang naging birthday wish ng aktor na si Matteo Guidicelli sa kanyang 33rd birthday.
Sa Instagram, ibinandera ni Matteo ang video ng kanyang intimate party sa Alabang kasama ang kanyang mga kaibigan at mga mahal sa buhay.
Sa caption ng post ay lubos niyang pinasalamatan ang mga dumalo sa kanyang birthday party, pati na rin ang mga bumati sa kanya.
“33rd birthday celebration with family and friends was a blast! Sharing with you the evening we had at Da Gianni Alabang,” saad niya sa post.
Dagdag niya, “Thank you to my family and friends that joined us for dinner. Thank you to everyone for all the birthday greetings! Super appreciate it!”
Baka Bet Mo: Matteo Guidicelli keri maging presidential guard, ‘sharpshooter’ sa PSG training
Maliban pa riyan ay nakunan din sa video ang pagsabi ng birthday wish ni Matteo matapos siyang kantahan ng “Happy Birthday” song.
Proud niyang sinabi, “Thirty-three years old and when they asked me what am I, what I want to be, sabi ko, ‘I’m a husband to my wife’.”
Aniya pa, “Yes, we’ll do business, we’ll do this, we’ll do that, but my main priority is being a husband to my wife.”
Lumapit naman kaagad kay Matteo ang kanyang asawa at hinalikan siya habang maririnig sa background ang malalakas na hiyawan ng mga kinikilig niyang bisita.
Kilig na kilig din siyempre ang libo-libong fans ng dalawa at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section ng post.
“Annngg cute ni Sarah! She found her home in Matteo! Keep it up!”
“Sweetest birthday celebration sealed with a kiss from the wife! [red heart emoji]”
“Ngayon lang nag-bloom si Sarah. Laging nakatawa. It’s so nice to see her happy and achieving without effort [red heart emoji] more success and good health to both of you.”
Taong 2020 nang ikinasal sina Sarah at Matteo sa pamamagitan ng secret wedding ceremony at nitong Pebrero ang kanilang 3rd wedding anniversary.
Related Chika:
Matteo Guidicelli pinagsabihan si Alex Gonzaga: Irespeto natin ang mga asawa natin