BUMALIK sa Pilipinas si Myla Villagonzalo-Tsutaichi, 2020 Mrs. Tourism Ambassador International at organizer ng Mrs. Tourism Ambassador International Japan pageant, upang muling magsagawa ng isa pang outreach program.
“I have been doing this before. But since I was crowned, I made it a commitment to be more active in my charity work,” sinabi niya sa Inquirer sa isang panayam sa Okada Manila sa Parañaque City noong Marso 28, isang araw lang mula nang magsagawa ng outreach project.
Nagpunta siya sa Purok Sumulong sa Barangay Dela Paz sa Antipolo City noong Marso 27 upang magbigay ng galak sa nasa 200 maralitang bata. “I provided for everything in the activity, which was organized by the Kabataang May Magagawa group,” ibinahagi niya.
Nakasalamuha ng beauty queen ang mga bata at nakisali sa katuwaan. Pinakain pa niya ang mga ito.
Baka Bet Mo: Miss Grand PH pageant tumatanggap na ng mga aplikante para sa finals sa Marso
Namahagi rin ng school supplies, laruan, at hygiene kits sa mga dumalong bata, na nilinaw ng beauty queen na hindi naman mga ulila.
Pinasalamatan din ng Kabataang May Magagawa ang reigning titleholders ng patimpalak ni Tsuatichi sa Japan–sina Mrs. Tourism Ambassador International Japan Marivel Canillo Kawajiri, Mrs. Tourism Ambassador International Philippines-Japan Wannie Maninang Ono, Mrs. Universe (Official) Japan Natasha Camille Tagle, Mrs. Universe (Official) Philippines-Japan Stephany Setenta, at Mrs. Face of Tourism Japan Miraluna Yoshida.
Kinoronahan ang limang reyna sa unang edisyon ng Mrs. Tourism Ambassador International Japan pageant na itinanghal sa Tokyo nitong Pebrero, at babandera sa iba’t ibang pandaigdigang patimpalak.
Sinabi ni Tsutaichi na muli siyang babalik sa Pilipinas na kasama na ang mga reyna niya, para sa charity work bago sila sumabak sa kani-kanilang patimpalak.
Beteranang beauties sasabak sa unang Miss Rotary pageant