CEBU CITY — Nalagpot kaayo mo!
Nahaharap sa kasong pangangalunya ang dalawang pulis matapos mahuling magkasama sa isang motel sa bayan ng Talibon sa Bohol nitong Martes.
Kinilala ang dalawang pulis na sina Police Corporal Mac Louie Dabon at Patrolwoman Analuna Valentos.
Ayon kay Police Col. Lorenzo Alfeche Batuan, director ng Bohol Provincial Police Office, naaresto sina Dabon at Valentos habang naka-check in sa isang motel sa Barangay Poblacion bandang 1:38 ng hapon.
“Nakahubad ang babae at nagsuot lamang siya ng shorts nang kami ay dumating,” ayon kay Police Staff Sergeant Rodel Garcia, imbestigador sa Talibon Police Station.
Si Dabon, 37, walang asawa, ay kasalukuyang naka-assign sa Regional Personnel and Records Management Division (RPRMD) ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7) na nasa Cebu City ang headquarters.
Samantala, si Valentos, 28, may asawa, ay kasalukuyang naka-assign sa Regional Police Holding Assistance Service, na nasa ilalim din ng PRO-7.
Ayon kay Garcia, nagsimulang maghinala ang asawa ni Valentos, na isa ring pulis, na nangangaliwa ang asawa dahil sa mga naririnig niyang kwento tungkol sa pakikipagkita ng kanyang asawa sa isang lalaki habang ito ay nagte-training.
Sinabi ni Garcia na napatunayan ang suspetsa ni Police Patrolman Joel Valentos, na kasalukuyang naka-assign sa 1st Provincial Mobile Force Company ng Cebu Police Provincial Office (CPPO), nang may tumawag sa babae nitong Lunes ng gabi.
Dahil dito ay humingi ng tulong si Joel Valentos sa pulisya na nagresulta ng pagkadakip ng dalawa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ng Talibon sina Dabon at Analuna.
IBA PANG BALITA
Magsasaka todas matapos saksakin ng mister ng umano’y kabit