Kilalang aktor malapit sa babae, huli pa rin ng dyowa kahit ‘maingat’ sa pagtatago

Kilalang aktor malapit sa babae, huli pa rin ng dyowa kahit 'maingat' sa pagtatago
NAGTATAKA ang kilalang aktor kung paano nalalaman ng dyowa niya ang pagiging malapit niya sa babae?

Kahit kasi anong ingat at tago ng aktor ay nabubukelya siya ng maganda niyang dyowa at pati ang pagkakakilanlan ng mga close friends nitong girls pati ang location at contact numbers nila.

Tsika sa amin ay marami naman kasing nakakakitang mga waiter sa kilalang aktor kapag kasama niya ang mga close friends niyang girls na posibleng dini-direk message ang dyowa nito at nagkukuwento na.

Hindi naman din kasi itinatago ng kilalang aktor ang mga close friends niyang girls sa mga lugar na pinupuntahan nila na kadalasan ay hotels.

Hindi naman din kasi katagu-tago ang mga close friends niyang girls dahil naggagandahan naman ang mga ito at puwedeng irampa kahit saan.

Kaya talagang mapapalingon ang mga nakakakita sa kilalang aktor at sa mga nagiging kasama nito.

Baka Bet Mo: Rayver kay Julie Anne: Parte na siya sa mga nangyayari sa buhay ko, inspired to be better! Let’s go!

Hindi rin masisisi kung may mga personalidad na nagiging ka-close rin si kilalang aktor dahil irresistible naman kasi talaga siya dahil sa sobrang bait nito at puwedeng hingaan ng mga problema sa buhay.

Ideal guy friend daw si kilalang aktor kaya marami siyang close friend na girls.

“E, ideal dyowa naman kaya siya sa dyowa niya?” tanong ng aming source.

Related Chika:
Aktor ‘mabaho’ raw at maraming demand, production staff naimbyerna

Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl

Read more...