Pope Francis nagkaroon ng respiratory infection, nagpapagaling sa ospital

Pope Francis nagkaroon ng respiratory infection, nagpapagaling sa ospital

PHOTO: Facebook/Vatican News

KASALUKUYANG nagpapagaling sa ospital si Pope Francis dahil sa respiratory infection, ayon sa pahayag ng Vatican.

Nitong nakaraang araw ay isinugod sa Gemelli hospital ng Rome ang Santo Papa dahil nahihirapan siyang huminga.

Nilinaw naman ng Vatican na negatibo siya sa COVID-19.

Paliwanag pa sa pahayag, nararanasan talaga minsan ng Santo Papa ang “shortness of breath” o hirap sa paghinga dahil ang isa sa mga baga niya ay tinanggal noong siya pa ay binata pa at nagte-training na maging pari sa Argentina.

Nagpapasalamat, aniya, si Pope Francis sa lahat ng nagpapa-abot ng mensahe at dasal para sa kanyang paggaling.

“Pope Francis is touched by the many messages received and expresses his gratitude for the closeness and prayer,” sey ng Vatican.

Sa hiwalay na statement, tiniyak ng independent city-state na nabigyan na ng antibiotics ang Santo Papa at bumubuti na ang kalagayan niya.

“Based on the expected progress (of his health), the Holy Father could be discharged in the coming days,” lahad ng Vatican.

“Pope Francis spent the afternoon at Gemelli hospital devoting himself to rest, prayer, and some work,” aniya pa.

Read more:

Ikatlong Pinoy bishop sa Amerika itinalaga ni Pope Francis

Read more...