Vanessa Hudgens bumisita sa Malacañang, itinanghal bilang Global Tourism Ambassador ng Pilipinas

Vanessa Hudgens dumalo sa Malacañang, itinanghal bilang Global Tourism Ambassador ng Pilipinas

ITINANGHAL bilang Global Tourism Ambassador ng Pilipinas ang “High School Musical” lead star na si Vanessa Hudgens.

Ngayong araw, March 30, nag-courtrsy call ang dalaga sa Malacañang at dito nga ay ginawaran siya ng Global Tourism Ambassador Award mula mismo kay Pangulong Bongbong Marcos.

Ang naturang parangal na ibinigay kay Vanessa ay bahagi ng hakbang ng ating pamahalaan upang ipakilala ang bansa bilang isa sa mga “pangunahing pandaigdigang destinasyon para sa pamumuhunan at turismo”.

Base sa larawang in-upload ng Publicity Asia sa kanilang Instagram account, bukod kay Pangulong Bongbong ay present rin sa pagbibigay ng parangal sa Filipino-American actress sina Department of Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, at Office of the Presidential Adviser on Creative Communications Secretary Paul Soriano.

Nakatakdang gumawa ng documentary series si Vanessa na kukunan rito sa Maynila at Palawan na magpo-focus sa kanyang pagbabalik sa bansa maging ang kanyang relasyon sa ina na isang Filipina.

Baka Bet Mo: Xian Gaza nakisali sa isyu nina Vanessa Raval at Skusta Clee: Hindi ako naniniwala na papatol ka sa ganun kapangit

Bukod pa rito, nakatakdang sumali anf dalaga sa mga initiatives ng bansa para mas ma-promote ang mga kultura at tourist destinations ng Pilipinas sa sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Kanina lang ay nag-upload si Vanessa ng kanyang larawan habang masayang nagtatampisaw sa lagoons sa El Nido, Palawan.

Samantala, ito naman ang kauna-unahang pagpunta ng dalaga sa Pilipinas at agad ngang namangha at napaibig sa ganda ng Pilipinas lalo na sa kanyang pagbabakasyon sa Palawan.

“Paradise,” caption ni Vanessa sa kanyang Instagram post habang ibinabandera ang Palawan.

Related Chika:
Fil-Am actress Vanessa Hudgens engaged na sa dyowang baseball player

Vanessa Hudgens bibida sa travel docu ni Paul Soriano, babalikan ang family history sa Pinas kasama ang ina

Read more...