TILA napa-senti mode ang Pinoy pop act na si raven sa inilabas niyang bagong kanta na pinamagatang “Sunday.”
Ang nilalaman kasi nito ay ang masasayang alaala nila ng kanyang girlfriend.
“The track speaks about remembering slow paced but fulfilling days with your loved ones and remembering those days while wishing for them to happen again,” sey ni raven sa inilabas na pahayag ng Sony Music Entertainment.
Itinukoy rin sa pahayag ang mismong linya ng kanta na dedicated para sa kanyang dyowa.
Saad ng music label, “The bedroom pop soloist dedicates the song to his girlfriend, especially the lyrics, ‘o kay sarap magpalipas ng oras / lalo na kapag kasama kita’.”
Ayon pa kay raven, ang kantang “Sunday” ay masasabi niyang “catchiest track” na kanyang isinulat at prinoduce so far.
As of this writing ay mapapakinggan na sa iba’t-ibang music platform ang bagong kanta.
Uploaded din sa YouTube ang official visualizer nito na kinabiliban ng maraming fans.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“Your songs never misses on hitting me with butterflies. Great music, raven! Keep it going~ [yellow heart emojis].”
“Sheeeshable! Sarap naman pang simula ng araw.”
“Been waiting for this. So good [red heart emoji].”
“Solid ka talagaaa kuyaaa!!! Congrats! [yellow heart emojis].”
Related Chika:
EXCLUSIVE: Kilalanin ang bagong P-pop girl group na ‘Yara,’ mga dapat abangan ng fans