Binago ng pagbibisikleta ang buhay ni Zoren Legaspi matapos masangkot sa aksidente

Binago ng pagbibisikleta ang buhay ni Zoren Legaspi matapos masangkot sa aksidente

Zoren Legaspi / ARMIN P. ADINA

SINABI ng aktor at direktor na si Zoren Legaspi na malungkot na pangyayari man ang nagtulak sa kanya na makahiligan ang pagbibisikleta, ngayon naman gustong-gusto niya ito higit pa sa mga naidudulot nitong pakinabang sa kaniyang katawan.

“It changed my life because I see people. Iyon ang isang nagpaganda sa bisikleta, I see them, I see these ‘masa,’ tao na nasa kalye. Sometimes kapag nandito ako sa C5 o sa C6 Road, iyong mga eskinitang iyan papasukin ko by myself, kasi solo rider ako most of the time,” sinabi niya sa Inquirer sa isang panayam sa launch program para sa pagbabalik ng “PRURide Philippines” ngayong taon sa Bonifacio Global City sa Taguig City noong Marso 24.

Isang aksidente may anim na taon na ang nakararaan ang nagtulak sa kanya sa pagbibisikleta. Nagkaroon siya ng injury sa tuhod bunsod ng paglalaro ng tennis, kaya naghanap siya ng ibang sports, iyong magaan lang sa tuhod.

“I was thinking of swimming, kaso mabilis akong umitim, doon sa chlorine pa lang umiitim na ako, plus hindi ako magaling lumangoy. Sabi ng friend ko cycling. Triny ko ang cycling. Hindi ko siya nagustuhan. Dahil wala akong choice, I have to force myself to like cycling,” ibinahagi niya.

Hindi lamang niya nasimulang magustuhan ang pagbibisikleta, nakatuklas din siya ng bagong pananaw sa buhay sapagkat napalapit pa siya sa lipunan, isang bagay na hindi niya nakuha sa tennis.

“Makikita mo kung anong klaseng buhay meron sila. Makikita mo iyong mga anak nila, anong kinakain nila. It opens your mind, your heart, sa mga reality. Sometimes kapag hindi mo nakikita, it doesn’t exist eh. Once na makita mo na ganito kalalapit, talagang may ganito talagang buhay,” ani Legaspi.

Sinabi rin iyang naging higit siyang palaban sa pagbibiskileta kung ihahambing sa pagte-tennis niya. Kailangan niyang hasain ang higit na maraming bahagi ng katawan upang maging mas mahusay sa pagpadyak. “Medyo overweight pa ako no’n, hirap na hirap akong umahon,” bulalas niya. Isa pang hamon para sa kanya ang malupit na sikat ng araw na tinangka niyang iwasan nang tumangging sumabak sa swimming. Ngunit hindi lang ito usapin ng pagpapaganda.

“Eh ampuputi nina Carmina. Kapag nag-commercial kami ako lang pinakamaitim doon, so hindi maganda visually kasi tatlo silang mapuputi, ako lang maitim doon,” ipinaliwanag niya, nagsalita na bilang isang direktor.

Dahil dito, naghanap siya ng paraan upang matakpan ang balat mula sa marahas na sinag ng araw. “I invented these, mga mask, inimbento ko talaga. Bago mag-pandemic naka-mask na ako, naka-cover na. Doon lumakas na unti-unti, dahil long ride kaya ko na. Kahit 10 a.m. to 2 p.m. it doesn’t bother me kasi naka-cover na ako,” ibinahagi ni Legaspi.

Kaya naman binansagan siya ng kapwa niya PRURide Philippines ambassador na si Gretchen Ho bilang “mascot of cycling” dahil lahat na lang ng nakakasalubong ng mga kapwa nila siklista na balot na balot tinatawag nilang “Zoren.” Tanggap naman ito ni Legaspi at sinabing tatak na niya iyon sa pagbibisikleta.

“Kahit saan ako mag-ride, dito lang banda sa amin sa Taktak, o Sumulong, marami nang bumabati sa akin. Kahit out of town, kahit naka-kotse nagpapa-picture na. Parang they can recognize iyong style ng pananamit ko sa cycling, very known na sa kanila,” ibinahagi ni Legaspi.

Sinabi pa niyang inaabangan na niyang makasabak sa mas malayong pagbibisileta sa PRURide events sa Clark, Pampanga, sa Mayo 21 at sa Cebu sa Mayo 28. “Mapapalaban tayo doon,” ani Legaspi.

Read more...