Venus Raj: As a woman, you are loved, valued and treasured especially in the eyes of our Lord

Venus Raj: As a woman, you are loved, valued and treasured especially in the eyes of our Lord

NGAYONG Marso ipinagdiriwang ang ‘National Women’s Month’ at tinanong ng BANDERA sa ilang artista kung ano ang kahalagahan ng mga babae sa lipunan at paano mas mapapalakas ang women empowerment.

Para kay Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj, hindi dapat nakadepende sa lipunan ang pagkakakilanlan ng isang babae.

Ang mahalaga raw ay kung papaano tayo minamahal at pinapahalagahan ng Diyos.

“Happy Women’s Month sa lahat po ng mga kababaihan, lalong-lalo na ho sa mga nanay na grabe ho ang pagpupursige para sa pamilya,” pagbati niya ngayong Women’s Month.

Sey pa niya, “I think one message that I would always share to women is that our identity, our value as a woman is not dependent on how people look at us or how the society defines us.”

Patuloy niya, “We should always go back to who we are, and to how the Lord looks at us kasi if we allow people to define who we are, mahirap ‘yun at tsaka ‘yun nga, the pressure is always there.”

“But know that you as a woman, you are loved, you are valued, you are treasured, especially in the eyes of our Lord,” aniya.

Related Chika:

BABAE IBANDERA: Mensahe ng Ilang artista sa pagdiriwang ng National Women’s Month

Read more...