Utol ni Aga na si Andrew Muhlach hirap na hirap mag-maintain ng katawan: ‘Tabain kasi ako, e… papayat-tataba-papayat-tataba’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Andrew Muhlach
UMAASA ang kapatid ni Aga Muhlach na si Andrew Muhlach na magtutuluy-tuloy na ang kanyang showbiz career ngayong taon.
Sa mga hindi pa masyadong aware, si Andrew ang youngest son ni Cheng Muhlach na may siyam na anak including his two brothers in showbiz na sina Aga at AJ Muhlach.
Limang taon si Andrew nang magsimula sa showbiz bilang child star, “I did teleseryes like ‘Super Inggo’ and ‘Pieta’ and the movie ‘Super Noypi’ sa Regal.”
“At 11, I stopped kasi awkward stage for me, but I tried theatre. I returned to the movies when I was 15 in ‘Lumayo Ka Nga Sa Akin’ with Maricel Soriano.
“I got to college taking up entrepreneurship but I stopped nung third year na ako kasi dumami ang projects ko,” pagbabahagi ng Viva Artists Agency talent.
Inamin din niya na ang naging struggle talaga niya growing up ay ang kanyang weight, “Tabain kasi ako, e. Papayat-tataba-papayat. As of now, I’ve lost 15 kilos pero mahirap i-maintain, e. So I play basketball everyday.”
Mula nang pumanaw ang tatay niya ay naging independent na raw siya at namuhay na nang solo, “I was the one living with him when he died in 2018 at nagsosolo na ako mula noon.”
Single rin daw siya ngayon at walang lovelife, “Wala, e. Walang nakikita, walang dumarating. And my career is really my priority now kasi sunud-sunod ang projects na binibigay sa akin ng Viva.”
Karamihan sa mga projects na ginawa niya ay comedy,, “Yes, comedy ang forte ko. Si Adam Sandler ang idol ko. I usually play friend ng bida. But I’m ready to do all kinds of roles.”
Nagpaka-daring din siya sa Vivamax original na “Siklo”, “Yes, dun pa lang. Direk Roman Perez convinced me. Pero sobrang kinakabahan ako ng gawin ko ‘yun. Ina-acid ang tiyan ko, so I asked for medicine.
“Sabi ni Direk, huwag kang ma-stress para hindi ka mag-acid. Bale ba, ‘yung kapareha ko, first time din niya to do a sexy scene, si Rob Guinto, so sabi ko, magtulungan na lang tayo para magawa natin. E, ang love scene pa naman namin, sa hagdanan. Naitawid naman namin,” kuwento ni Andrew.
Kasama siya ngayon sa latest barkada comedy film na “Working Boys 2” directed by Paolo O’Hara, “Lima kami ritong lazy bums. Kasama ko sina Wilbert Ross, Mikoy Morales, Nikko Natividad and Vitto Marquez. I play the role of Max at ako ‘yung pinakamakulit and happy go lucky sa grupo namin.”
“Masayang kasama ang grupong ito, kasi lahat, magaan katrabaho. Lock in shooting kami nito at walang nagpapabida or nagpapa-diva sa set.
“Para magkatrabaho kami, si Bayani Agbayani, our adviser, helped us put up an app Choose Your Papa, offering various services kung sino ang gusto magpapaluto, papaligo, papasama, papabili at kung anong papagawa sa amin,” aniya pa.