Gelli, Carmina, Aiko, Candy sumusumpa na walang selosan at inggitan sa kanilang magkakaibigan
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Candy Pangilinan, Aiko Melendez, Gelli de Belen at Carmina Villarroel
SOLID na solid pa rin ang friendship ng mga seasoned TV host-actress na sina Carmina Villarroel,Gelli de Belen, Candy Pangilinan at Aiko Melendez.
Pinatunayan ng apat na magkakaibigan na kahit sinasabing mahirap makakuha ng mga totoong kaibigan sa showbiz industry, ay pwede pa ring makahanap ng totoong mga kaibigan.
Imagine, mga teenagers pa lang ay magkakasama at magkakaibigan na sila kaya naman ang palagi nilang sinasabi ay pang-forever na ang kanilang friendship.
Ayon kay Gelli, kilalang-kilala na nila nina Carmina, Candy at Aiko ang isa’t isa mula pa noong mga dalaga pa sila.
“They understand me and I do not have to explain who I am, what I am believing, because they understand, we practically grew up together so nakikita pa lang nila ako alam nila na, ‘Anong nangyari?,’” ani Gelli sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”
Ipinagdiinan din ni Gelli na walang competition sa kanilang magkakaibigan, “It’s always been clear to all of us. One thing with us is wala kaming selosan.
“Wala kaming selosan about…(everything) there’s no competition and that’s important kasi we’re in the same industry,” sabi pa ng aktres.
In fairness, ang isa pa sa kinaiinggitan ng kanilang mga fans ay ang katotohanang hindi pa rin sila tumatanda kahit dekada na ang itinatagal ng kanilang friendship.