Maricel single na single pa rin, mukhang ayaw nang magkadyowa uli: ‘Masyado nang masakit yung heart, delikado ang love’

Maricel single na single pa rin, mukhang ayaw nang magkadyowa uli: 'Masyado nang masakit yung heart, delikado ang love'

Maricel Soriano

MUKHANG wala na ngang balak ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano na magkadyowa uli base na rin sa mga binitiwan niyang salita ngayon patungkol sa usaping love.

Sa bagong vlog ng award-winning actress sa kanyang YouTube channel, napag-usapan ng nila ng kanyang special guest na si Dina Bonnevie ang mga bagay na may kaugnayan sa lovelife.

Ayon kay Maria, single pa rin daw siya hanggang ngayon ay happy at kuntento na naman daw siya sa dalawa niyang mga anak at napapaligaya rin siya ng kanyang mga alagang aso.


Nang tanungin ni Dina tungkol sa pag-ibig ang kanyang kaibigan at ka-batchmate sa showbiz at sa pagiging Regal Babies, tila may hugot nga rito si Maria.

“Okay na sa akin yung lessons (tungkol sa pag-ibig). May mga nakuha naman akong lessons. Pero tama na, di ba? Masyado nang masakit yung heart. Delikado ang love,” ang pahayag pa ni Maricel.

Baka Bet Mo: Sylvia, Maricel magsasama sa bonggang project ngayong 2023, pangarap ding makatrabaho sina Vilma at Mega

Sa mga hindi pa nakakaalam, bukod sa dati niyang asawa na si Edu Manzano, nakarelasyon din ni Maricel noon ang aktor na si Ronnie Ricketts. Nag-ampon sila, si Marron, na 36 years old na ngayon.

Nagkaroon din ng anak si Maricel sa dating boyfriend na si Cesar Jalosjos, si Sebastien na 30 years old naman.

Speaking of Edu, napag-usapan din nina Maria at Dina ang tungkol sa aktor karelasyon naman ngayon ng aktres na si Cherry Pie Picache. Ikinasal sina Edu at Maricel noong 1989 at naghiwalay pagsapit ng 1991.

Ayon sa Diamond Star, updated siya sa lovelife ni Edu. Tanong sa kanya ni Dina, “Naalala mo siya?” Hirit na sagot naman ni Maria, “Parang naaalala ko yan, e. May dating yung pangalan.”

“Kamusta naman si Edu?” sey uli ni Dina kay Maricel. Na sinagot niya ng, “Okay naman sila ni (Cherry) Pie.”

Paniniguro pa ng movie icon, “Okay kami talaga, in fairness. Kasi we’re doing… wag na, kasi bawal banggitin. Basta may ginagawang pe… ano ngayon, basta something.”
Panunukso ni Dina sa kanya, baka raw magselos si Cherry Pie. Mabilis na depensa ni Maricel, “Hindi. Kilalang-kilala ako ni Pie. Alam na alam niya yan.”

Nagkatrabaho sina Maricel at Cherry Pie sa pelikulang “Mila” noong 2001) at sa Kapamilya teleserye na “Florinda” na ipinalabas noong 2009.

Nag-agree naman sina Maricel at Dina sa pagsasabing “kenkoy” at “livewire” si Edu bilang leading man.

“Marami siyang pagpapatawa. Kahit na bored na sa taping magpapatawa siya,” sey ni Ms. D na sinang-ayunan naman ni Maricel.

Aniya, mahilig daw talagang mag-joke si Edu sa shooting, “At saka darating sa set yan, meron yang outfit. Minsan yung naka-bathrobe. Parang sabi ko, ‘Akala ko ba may shooting? Bakit ka nagkaganyan? Bakit nakapambahay ka pa din?’

“Sabi niya, ‘Eto ang outfit ko papunta sa set.’ Kasi meron na naman sigurong naiwanang joke, so itutuloy niya!” natatawang sey pa ni Maria.

Pampaswerte sa 2023: pink underwear sa mga gustong magkadyowa, blue na damit at alahas para sa buhay at negosyo

Payo ni Maricel kay Donny: Sana maka-inspire kayo ng ibang tao, na maabot din nila ang kanilang mga pangarap

Read more...